Time Check

32 12 2
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Time check: 1:23 AM

Ano ba ang mas matimbang? Before, during or after?

Pambihira kasing after shock to. Tuwing pagkatapos nalang nating mag-usap, iba ang state of calamity ay este kiliti ang idinudulot mo sa puso ko.

Bago ka palang tumawag kakabog-kabog na ang dibdib ko e. Sabihin mo pang hindi na nasanay. Siguro dahil excited lang saka medyo nag-iisip kung saan na naman kaya ang patutunguhan ng mga kuwentuhan natin. Iba ang pagka-sabik dahilan narin sa buong maghapon kang abala kaya naman kailangang ako naman ay maging matiyaga sa paghihintay. Abang na abang ako sa pag-uwi mo e.

Habang mag kausap naman tayo ay minsan para akong lumulutang. Paano ba naman e namamangha ako at hindi nalang maiwasang masabi palagi sa’yo na ang kinis ng mukha mo. Ipinagmamalaki mo iyan e, wika mo pa ay safeguard lang yun. Aba matindi pala ano. Mabilis kang mainis kapag nagtatago ako sa camera, ang gusto mo nakaharap sakin. Kahit anong uri tuloy, kahabag-habag at presentable, may kolorete o wala, pawis o fresh ay nakita mo na. Ako nama’y kinakabahan kasi baka hindi mo magustuhan. Salamat nalang rin dahil pinupuno mo ako ng assurance. Ang dati tuloy ako na ilap makipag videocall dahil conscious sa itsura  ay ngayon komportable ng nakikiharap sa’yo. Para ka naman kasing sira, sinong hindi lalakas ang loob kung sa bawat galaw ko ba naman o mamaya-maya ay sinasabihan mo akong maganda!

"Ang ganda mo pala talaga ano? Tinitignan kita e. Kung pwede lang mag heart itong mga mata ko, kanina pa naghaheart." Ay  talaga naman! Hahahahaha

Subalit, normal pa ba ito? Namimiss kita kahit katatapos lang nating mag-usap. Mas narerealize kong iniibig pala talaga kitang lubos kapag naririnig ko na ang mahina mong paghinga, senyales na nakatulog ka na. (Nanaman). Hindi nga kita inaaway e kapag ganong nakakatulugan mo ako. Alam ko kasing pagod ka, sabi mo rin, iyon ay para sa ating dalawa. Lahat ng inalay mong kanta sa akin, pinapakinggan ko ulit. Nakakamangha lang rin dahil anraming mga lumang kanta ang alam mo. Pati yung mga awitin na chorus lang ang alam ko na nadidinig ko sa radyo tuwing nagbabyahe ng madaling araw ay alam mo. Para ngang inihukay ko na ang sarili ko sa lupa noong pumayag akong makipag-paliksahan sa’yo na umawit ng mga old songs. Opm man o hindi.

Sana aware kang sinasariwa ko ang lahat ng mga pinagsaluhan nating kuwetuhan pagkatapos mo akong tawagan. Sa bawat araw na lumilipas sa pagitan natin at nitong malayong distansya, palagi kong napapatunayan sa sarili ko na iba ka talaga. Iba ang personalidad mo kumpara sa iba. Taglay mo ang mga katangian na nais ko, at higit sa lahat ang pinaka importante ay saulo mo na ako.

Ika nila mas matimbang daw kapag mas nagmamahal ang isa, sana lang huwag kang magalit dahil ang totoo niyan, Mahal kita higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay.

PS: Hindi ko na napigilang isulat ito kailangan ko kasing maorganize lahat ng weirdong feelings ko para sa’yo. Nakatulog ka na naman, goodnight po!

I Write Photographs Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon