CHAPTER I

72 11 5
                                    


CHAPTER I

TIMOTHY'S POV

"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights"

I was staring at the person next to me, specifically I was looking to the girl I love the most and she was seating on the passenger seat. I witnessed how beautiful her smile was, she was looking at the window of my car while singing that song. She looks so happy na para bang ngayon lang sya nakita ng ganun kagandang tanawin.

" Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
And I've got all that I need
Right here in the-"

Bago pa man matapos ang kanta ay bigla na lang kaming naaksidente.

"Hey, Tim! Wake up!!" pang gigising sakin ng Ate ko. "Nananaginip ka na naman ba? You were humming a song na di ko alam kung ano, ampangit talaga kapatid." Panunukso nya sakin.

Panaginip na naman pala yun, palaging ganun ang napapanaginipan ko mula nung mapakinggan ko yung kantang Passenger Seat. That song keeps on bothering me like shit. Tas yung panaginip ko it feels like freaking real. Paulit ulit na lang. Di ko kilala kung sino yung Babaeng kasama ko sa Kotse, blurry kasi yung muka nya, pero yung ngiti nya ang di ko makakalimutan, its one of a kind, so unique and so damn beautiful.

Btw, I'm Timothy Reyes, isang masipag na SHS student sa isang sikat na University sa aming Probinsya, San Pedro University(SPU). I'm 18 and ABM student, bunso ako saming dalawa ng ate ko (Tricia Reyes Cruz). Lagi naming ala sa bahay ang ate ko kasi may asawa na sya 10 years ang agwat ng edad namin. OFW si Daddy (Fred Reyes) at Dakilang Online seller naman si Mommy (Lynn Reyes), bali dalawa na lang kami ni Mommy sa bahay kasi nakabukod na nga sila ate kasama ang asawa at isang nyang anak, Si Grey Louise.

"Bumangon ka na jan, Sunday ngayon magsisimba tayo. Kanina ka pa inaantay ni Grey sa baba." Sabi ni ate bago lumabas ng kwarto ko.

Sunday nga pala ngayon, kailangan ko na bumangon kasi baka sigawan na naman ako ng ate ko na napaka kupad ko daw gumalaw. Naligo lang ako sandali at nagsuot ng demin na pantalon, polo shirt at isang white na rubber shoes.

Agad akong bumaba papuntang sala, bumungad sakin ang ngiti ng pamangkin kong miss na miss ko. May hawig daw kaming dalawa, actually sakin daw kasi pinaglihi ni ate itong si Grey, ang cute nya sa polo nyang kulay white.

"Tatay Timmy!!" sigaw nya sabay takbo palapit sakin. Tatay Timmy ang tawag nya sakin kasi di ko alam kay Ate, madalas din kasing ala ang Ama netong si Grey. Madalas itong asa Cebu para asikasuhin yung family business nila. May sarili kasi silang resort dun.

Agad ko syang binuhat at hinalikan ang kanyang pisngi, I also kiss the tip of his nose.

"Namiss kita baby Grey, asan pasalubong ko? Galing kayong La Union last week diba? May pasalubong ba si Tatay Timmy?" sabi ko at binaba na sya may kabigatan na din kasi itong batang to eh.

"Syempre naman Tatay Timmy, Andun po kay Mommy." Sabi nya.

" Ano? Tara na ba? Baka magstart na ang misa." Pag yayaya ni mommy.

"opo tara na MommyLa" sabi ni Grey sabay hitak sa kamay ni mommy palabas ng bahay.

"Yung kotse ko na lang Gamitin natin Mommy para di nyo na ilabas yung kotse mo." Sabi ni ate.

"okay dear, samahan nyo tuloy ako mag grocery. Para kasing gusto ko ng Adobong manok." Sabi ni mommy bago kami sumakay ng kotse ni ate.

Natapos na ang misa at handa na kaming umalis papuntang super market nang bigla akong may nakitang pamilyar na ngiti pero di ang kanyang muka. I think I'd seen her somewhere. Di ko na lamang pinansin ang babaeng nakita ko sa simbahan. At dumiretso na lang kami sa Super Market.

I Hear Your MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon