CHAPTER III

25 7 0
                                    


CHAPTER III

TIMOTHY'S POV

"Napaka pogi mo talaga Timothy, ikaw lang biniyayaan ng ganyan kaganda at kalinis na muka." Sabi ko sa sarili ko habang asa harap ng salamin.

Ganito ako lagi bago pumasok, di ko din alam kung bat pinupuri ko ang sarili ko. Nagkakabit na lang ako ng tie at handa na akong pumasok. Agad akong bumaba matapos kong maiayos ang mga gamit ko.

*beep! Beep!*

"Mommy, papasok na po kami. Anjan na po kasi si Drew." Pag papaaalam ko kay mommy.

"sige ingat kayo ha?" mommy said then she kiss my forehead before I go.

Sinara ko ang Gate at tsaka sumakay sa Kotse ni Drew, nagsimula na syang mag maneho. May sarili na syang kotse, well nasa legal age naman na kami kaya okay lang, actually bata pa lang kami netong si Drew ay magkasama na kami. Sabay pa nga kaming Tinuli eh. sabay din kami nahinto sa pagaaral ng isang taon dahil naaksidente kami at napilay dahil sa kakulitan naming dalawa. Saming apat kaming dalawa ni Drew ang pinaka Close. Mahilig din kami mag laro ng Volleyball at basketball.

"Drew, sa isang araw na pala Birthday mo ah? Wala ka bang plano?" tanong ko Drew.

"May party atang ginayak sila Daddy sa bahay. Pumunta na lang kayo dun, sagot ko yung iinumin natin." Sagot ni Drew sakin.

Agad kaming bumaba sa kotse nya nang makarating kami sa SPU, dumaan muna kaming canteen bago pumasok sa aming room, nakaka antok kasi ang first period namin kaya naman di kami makakatagal dun ng isang oras nang walang kinakain.

Bumili kaming iced coffee at ilan pang pwedeng kainin, sagad kasi talaga yung boredom dun sa subject na yun.

Nang makaakyat kami sa aming room nagsisimula na ang klase, syempre sanay na kaming mabulyawan netong teacher naming panget na to. 555555.

"Mr. Cruz and Mr. Park, ano sa tingin nyo itong Class ko? Recess? Tsaka late na naman kayo! Lagi na lang akong na uunang pumasok sa inyo. Papalagapasin ko ulit to, pero last na warning na ito! Umayos na kayo! Kuha nyo?!" pag bubunganga ni Mrs. Antontio.

Ang aga aga, kung di kasi sya pumapasok ng maaga edi sana na uunahan namin sya, Umupo na kami sa mga upuan naming matapos kaming pagalitan nung pangit na matanda na Yun, Just kidding.55555.

"today, may makakasama tayong taga ibang strand, kasabay nyo silang mag ququiz ngayon sa subject ko. Pumasok na kayong dalawa nang makapag simula na tayo." Sabi ni Mrs. Antonio.

Nag gulat ako nang malaman ko kung sino ang pumasok sa room naming, si Jessa at si Cheska. Magdamag kong hinanap ang Facebook, IG, Twitter account nya pero ala. Di ko din alam ang Number nya, di ko alam kung kukunin ko ba or hindi kasi diba ang weird naman kakakilala lang naming tas ganun. Mas lalong di ko sasabihin sa kanya na parang pamilyar sakin yung ngiti nya, ang creepy nun pota.

"Mr. Cruz, makipag palit ka kay Ms. Tons ng upuan." Utos ni ma'am, kaya naman tumayo ako at lumipat ng upuan.

Katabi ko ngayon si Cheska, shet pano kung bumagsak ako sa Quiz na ito? Mababawasan pogi points ko sa kanya.

Pero bat ba ako kinakabahan kung bumagsak ako ngayon? Sanay naman na ako ah? Wala ng bago kung bumagsak man ako pero bakit ganito nararamadaman ko. Bakit parang gusto ko perfect ako sa mga mata nya, bat parang gusto kong gustohin nya ako? Gusto ko ba sya? Pero bakit? Kakakilala pa lang naman naming ah?

"ahmm, Timothy kanina pa nagsisimula ang Quiz. Nasa Number 5 na kami tas ikaw di mo pa naiisulat pangalan mo." Sabi sakin ni Cheska.

Shet, kunin nyo na po muna ako Lord. Takte nakakahiya. Kanina pa pala lumulutang yung isip ko dito. Pano pa ako magiging perfect sa paningin nya? Sobrang epic talga!

I Hear Your MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon