CHAPTER IV

18 4 0
                                    

CHAPTER IV

CHESKA'S POV

Today is Saturday, Birthday ni Drew. At ngayon asa mall kami at syempre Third whell ako sa dalawang malalanding to, charr. Bibili daw kasi sila ng regalo para kay Drew, mayaman naman sya kaya sa tingin ko di nya na kailangan pa ng mga regalo pero nakakahiya naman kung pupunta akong walang kadala dala diba?

"Cheska, kung pabango na lang kaya iregalo mo? Bag kasi yung balak naming bilin ni Hubby eh." sabi ni Jessa habang naglalakad pa din kami dito sa mall. Ala pa din kasi akong maisip na pwedeng iregalo kay Drew. Ito hirap ng mayayaman eh.

"okay lang kaya sa kanya yung di kamahalang pabango?"tanong ko naman sa dalawa.

"Mabait at di matapobre si Drew, kahit sa maliliit na bagay okay sa kanya. Tsaka makapunta lang kayo dun masaya na yun." Sagot ni James, minsan may point din sinasabi neto eh.

"Btw hubby, ala pa pala akong isusuot. Samahan mo naman akong bumili ng isusuot ko? Please?" pagpapabebe ni Jessa tsaka nya nilingkis ang kanyang mga braso sa braso ni James. Muka tuloy syang unggoy na cute HAHAHHA

"pwede naman, Mahal."sagot naman ni James.

Bigla namang nagbago yung expression ng muka ni Jessa, para bang disappointed nung madinig nya ang salitang mahal.

"Bat bigla kang namang nanamlay ha?" tanong ko sa kanya kasi anlaki talaga ng pinagbago ng expression nya.

"eh kasi ako si Wifey di naman ako si Mahal."sabi nya at nagpout pa.

"Di ba kita pwedeng tawaging Mahal, eh yun nga yung nararamdaman ko para sayo eh. Tsaka ala akong ibang babae, ikaw lang sapat na." sabi ni James sa kanya tsaka hinawakan ang kamay ni Jessa tsaka sila naglakad palayo. Oo, inawan ako magisa.

Kaya eto ako, magisa na lang na naglalakad dito sa mall, ala pa din akong maisusuot para mamaya sa party ni James, tingin ko pasosyalan yung mga tao dun. Eh lahat ng mga Damit kong para sa mga ganung okasyon asa mansyon, pwede naman siguro akong sumaglit dun at kumuha ng ilang mga gamit ko para di na din ako bibili. Makakatipid pa ako.

Pero ala pa din akong maisipi na ireregalo sa kanya, meron naman na kasi sya ng lahat ng bagay eh. Tsaka ala akong pera para ibili sya ng mamahaling regalo, ayaw kong mag withdraw sa savings ko.

Naupo muna ako sa may isang upuan malapit sa may fountain dito sa loob ng mall. Dahil malikot ang mata ko may nakita akong isang pamilyar na muka, at may kasama syang bata at magandang babaeng nasa 50 na siguro ang kanyang edad pero ang ganda nyang pumustura. Sa tingin ko ay nanay nya iyon at kapatid nya siguro yung bata.

"Tatay Timmy,pwedeng maglaro muna tayo dun oh," turo nung bata sa gawi ng Tom's World.

Teka, bat tatay ang tawag nung bata? Anak nya ba ito? Bata ba syang ama? May asawa na ba sya? Ala na ba akong pag asa sa kanya? Baka naman pwede akong maging kabit deba? Charr ayaw kong makasira ng pamilya.

"pero Baby Grey, andito tayo para bumili ng regalo para kay tito Drew, birthday ni tito Drew ngayon kaya naman kailangan nya ng gift, next time na lang okay?" mahinahong sabi ni Timothy dun sa bata. Bat parang anghel sya na may dalang bata.

Ang sarap titigan nilang dalawa, parang ang sarap titigan ng mga ama ko. Teka? Mag ama ko? Di ko naman asawa ni Tim ah? Tsaka Virgin pa ako. Jusme, kung ano ano na naman itong iniimagine ko. Nagde-daydream na naman ako. Mas mabuti pa siguro maghanap na ako ng maireregalo nang makauwi na ako kasi pagod na ako.

I automatically stop when I'm in front of this bracelet store, ang gaganda kasi ng bracelet dito. Kaya naman pumasok ako at nagtingin tingin sa loob, tingin ko ayos na kung ganito ang ireregalo k okay Drew, di man kami ganun kaclose at least may present ako for him.

"Miss, how much is that black bracelet?" I asked.

"1,500 pesos,ma'am." Sabi naman nung babaeng nagtitinda. Jusme napaka mahal namn ng bracelet na ito.

"eh yung Black na may silver po na yun?" tanong ko ulit kasi medyo mahal yung isa.

"that's 500 po ma'am kasi po naka sale yan, original price po nyan is 1000 pesos. May libreng box na po iyan tas libre na din po yung palawit na pwedeng lagyan ng name. Tsaka magugustuhan po iyan ng Boyfriend nyo." Sabi nung babae.

Napatitig ako sa kanya. Srsly ate? Wala akong boyfriend lol.

"naku ate wala po akong boyfriend, ipanreregalo kop o iyan sa isang kaibigan." Sabi ko tas natawa lang si ate at humingi ng despensa.

"sige ate eto na lang po, palagayan po g name na Drew." Sabi k okay ate. Tumango na lang ito at hinanda na ang bracelet na binili ko.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong 1:00 pm na pala pero di pa ako kumakain ng lunch. May oras pa naman akong kumain pero sa bahay na lang siguro tsaka dadaan pa pala ako sa mansyon.

"ma'am eto na po yung bracelet, thank you po, come again po." Sabi nung babae habang nakangiti. Kinuha ko naman ang bracelet tsaka ako lumabas ng store.

Nasa labas na ako ng Mall nang Makita ko ang isang pamilyar na sasakyan at isang lalaking nakatingin na din sakin. Namiss koi to, di ko alam nan aka balik na pala sya ng pilipinas galing Thailand.

Kumaway ito at bumaba ng sasakyan tsaka ito lumapit sakin at hinagkan ako ng mahigpit.

"kamusta ka na my dearest sister?" kuya Red asked.

"kuya di ako makahinga, okay ako. Tsaka kelan ka pa nakabalik ng pinas?" tanong ko pabalik sa kanya.

"last week I think, hanggang ngayon pala di ka pa din sa bahay nakatira. Miss ka na namin ni kuya Jake. Let's have dinner tonight." He said.

"May gagawin ako mamayang gabi, maybe some other time na lang kuya. Pero pupunta sana akong mansyon ngayon para kumuha ng ilang damit." Sabi ko kay kuya Red.

" I'll give you a ride, tsaka matutuwaa si Kuya kapag nakita ka nya ulit sa bahay." Sabi ni kuya kaya naman di na ako tumanggi at sumakay na lamang pagod na din kasi ako eh. 

I Hear Your MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon