CHAPTER VI

12 1 0
                                    

CHAPTER VI

TIMOTHY'S POV

Birthday na ni Drew pero ala pa din akong maisip na regalo para sa kanya kaya naman nagpasama ako dito sa mall kila Mommy at Grey, ala kasi si ate kaya iniwan samin itong si Grey.

"Tatay Timmy,pwedeng maglaro muna tayo dun oh." Sabi nitong batang kasama ko.

Gusto nya kasing maglaro sa Tom's World eh hanggang ngayon nga ala pa din akong maisip mairegalo kay Drew, lahat naman na kasi ata naibigay ko na kasi nga bata pa lang kami magkasama na kami.

"Pero Baby Grey, andito tayo para bumili ng regalo para kay tito Drew, birthday ni tito Drew ngayon kaya naman kailangan nya ng gift, next time na lang okay?" mahinahong sabi ko.

"Anak, tingin ko magandang bigyan mo si Drew ng pabango, total mahilig naman sa ganun yun." Sabi ni Mommy nung nasa tapat kami ng isang Botique dito sa loob ng mall.

"eh mommy yun na yung niregalo ko sa kanya last year, Tsaka kung ganun lang din deba dapat sayo na lang po ako bumili. Baka mommy nakakalimutan mong online seller ka?" sabi ko sa Mommy ko, nag uulyanin na ata.

"Cake na lang nak para di ka na mahirapan." Sabi ni Mommy at pumasok na agad sa isang Cake Shop.

---------

"Nak, ang pogi mo jan sa suot mo, bagay na bagay sayo." Pamumuri ni Mommy sakin.

Naka long sleeve na polo ako na kulay Dark blue para magmukang pormal. Inayos ko din ang buhok ko at nilinis ko na din ang kotse ni Mommy, ipapahiram nya kasi sakin ito ngayong gabi.

"Mommy mauna na po ako, 7:10 na po eh." sabi ko.

"Mag iingat ka ha? Yung pag dadrive mo tsaka wag iinom ng madami okay?" Mom said then I kissed her on her cheeks.

Sumakay agad ako nang kotse nang makalabas ako sa bahay naming, si mommy na ang nagbukas at nagsara ng Gate. Marunong naman talaga akong magdrive kasi kapag andito si daddy hinahayaan at tinuturuan nya akong magmaneho.

Sa kabilang subdivision lang naman nakatira sila Drew kaya mabilis lang din akong naka rating dun. 10 mins lang ang pag dadrive ko. Agad kong pinark ang kotse tsaka bumaba, as usual medyo madaming tao dito sa mansyon nila. Iba't ibang uri ng tao, businessmen, politician at yung mga kaclose nila.

"Timothy, here!" kaway ni James nung nililibot ko ang aking mata para hanapin sila.

Medyo malapit sa pool ang table naming, medyo mahirap Makita lalo na kung asa gate ka. Umupo ako sa tabi ni James, andito na din si Althea at Jessa. Pero si Cheska ay ala pa.

"Asan ang regalo mo kay Drew,bro?" tanong ni James sakin.

"Nakalimutan ko sa kotse." Sabi ko.

"Ahmm, Hubby nagtext na sakin si Cheska. Asa parking na daw sya nagpapasundo." Sabi ni Jessa kay James.

Tumayo si James at Jessa. Susunduin ata nila si Cheska.

"sasabay na ako sa inyo, kukunin ko din ang regalo ko sa kotse." Sabi ko at tumayo na din para maglakad papuntang parking.

Iniwan naming si Althea dun na nag se-cellphone.

"asan na kaya si Cheska? Sabi nya andito na sya eh." sabi ni Jessa habang hinahanap si Cheska sa Parking.

Maganda din ang suot nitong si Jessa, bagay na bagay sa maputi nyang balat ang pula nyang dress. Nakawhite naman na long sleeve itong si James. Si Althea di ko masyado napansin ang suot nya. Si Cheska kaya ano ang suot? Sigurado ang maganda at bagay din sa kanya ang suot nya.

I Hear Your MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon