CHAPTER VII

5 1 0
                                    


CHAPTER VII

FRANCHESKA'S POV

Nasa Parking lot kami nang mansyon nila Drew, actually bakanteng lote ito na ginawa nilang parking lot. Malaki din itong bahay nila Drew, pero may pakiramdam ako na parang nakarating na ako dito, basta di ko alam. Lalo na nung nakita ko yung pinto at pool nila. Pero baka naman kasi may kamuka lang to na napuntahang kong bahay.

"Nag enjoy ka ba?" tanong ni Tim sa tabi ko, kanina pa kami naka upo dito pero ngayon pa lang nabaasag ang katahimikang namamagitan samin.

"Medyo? Ayaw ko kasi sa mga ganitong party eh, alam mo ang gusto ko sa mga party yung malalakas ang talaga ang tugtog-" naputol ang sasabihin ko nang mapansin kong nakatitig sya sakin at nakangisi.

"Sorry, ang Cute mo kasi. Pero ako din ayaw ko sa boring na birthday na ganito. Gusto ko yung ganun din sayo malakas ang tugtog, yung walang gaanong matatandang nag uusap tungkol sa business at syempre bumabaha ng alak. Yung tipong gagapang ka na sa kalasingan." Kwento nya at ang ganda naman talaga ng kanyang ngiti.

Para talagang pamilyar sakin itong lalaking ito, yung ngiti nya, yung mga mata nya, yung tawa nya, yung mga kilos nya. Ang weird lang kasi, shet baka naman may sakin na ako?

"uy okay ka lang? bat nakatulala ka?" tanong nya sakin.

Inayos ko ang buhok ko at umayos ng pagkaka upo, ala akong pake kung gano pa kamahal tong suot ko, masakit na din kasi itong mga paa ko dahil sa lintek na heels na ito, u feel me huh?

"oo naman, ganun din ang gusto ko, syempre madaming pagkain diba? Tsaka yung pwede talagang magwala na para bang nasa club ganun HAHAHA." Sabi ko.

"Oo den, nga pala may tanong ako kung okay lang." sabi ni Tim.

"Syempre naman ikaw pa, ano ba yun?" tanong ko.

"ahm, kuya mob a iyong naghatid sa iyo kanina?" –Tim

"yes, bakit?"-me

"sa inyo iyong sasakyan na iyon? Ang mahal nun diba? Tsaka sa inyo ko palang nakikita ang sasakyang yun, ilang milyon din ang halaga nun." Komento ni Tim sa sasakyan ni Daddy, mahilig kasi si daddy sa mga kotse, Tsaka sabi pa nila Kuya gusting gusto daw ni Daddy yun kaya naman pinag ipunan nya talaga ang sasakyang yun.

"actually sa Daddy naming yun, eh ala kasi sila jan kaya tinakas ni Kuya." Sabi ko at hinihimas ang mga binti ko kasi medyo malamig na din.

"nilalamig ka ba? Hinatayin mo ako may kukunin lang ako sa kotse." Sabi ni Tim at tumayo para pumunta sa kotse nya.

May kinuha sya sa loob nito at bumalik na ulit sa pagkakaupo sa tabi ko.

"eto oh, para di ka naman lamigin." Sabi nya at inabot ang isang itim na jacket sakin.

"Madali kasi akong ginawin kaya may ganyan sa loob ng kotse, lalo na kapag bumabyahe kami ni Mommy." Dagdag pa nito.

"ahm,Thank you ha? Ginawin din kasi ako bata pa lang." sabi ko naman. "pwede din ba akong mag tanong?"

Tumango na lang sya bilang pag sang ayon.

"Close ka ba sa mga parents mo?" tanong ko.

"Kay Mommy sobra kasi dalawa lang naman kami sa bahay eh kasi si Daddy seaman pero kapag naman andito si Daddy mas malapit ako kay Daddy, kaya naman minsan nagseselos si Mommy HAHAHA." Sabi nya.

"nakakainggit ka alam mo yun? Kasi ako walang kaclose ni isa sa kanila eh, lagi din kasi silang ala sa bahay, puro business trip din sila. Kaya mga kuya ko lang kasama kong lumaki pero nung lumaki na din sila nagpupunta na din sila sa ibat ibang bansa, si Kuya Jake sa UK, si Kuya Red naman sa Thailand. Tas ako eto HAHAHA." Kwento ko sa kanya.

"perfect kasi mga kuya ko, pasado sila sa paningin ng mga magulang namin, kaya ayun. Ako kasi yung pasaway na anak, ayaw kong kumuha ng business Management, ayaw kong mainvolve sa business ng family namin." Dagdag ko pa, nakatitig lang sya sakin at nakikinig sa kwento ko.

"sorry kung medyo madaldal ako ha?" sabi ko, ewan ko pero parang andalingmag open up sa kanya, para kasing matagal na kaming magkakilal.

"No, okay lang yun. So galing ka nga talaga sa mayamang pamilya. Kasi ako sakto lang eh, Housewife si Mommy na nag oonline business tas si Daddy naman Seaman nga, tas yung ate ko di na samin nakatira, pero madalas naman silang pumunta dun sa bahay kasama yung pamangkin ko, sure ako na magugustuhan mo yung pamangkin ko." Kwento nya naman. Teka yung pamangkin bang tinutukoy nya ay yung kasama nya sa mall? Yung akala kong anak nya?

"ahm yung pamangkin bang tinutukoy mo ay yung kasama mo kanina sa Mall?" tanong ko.

"ah oo, pano mo nalamang asa mall kami kanina? Stalker kita hano?" pagbibiro nya.

"Hoy hindi no, nagkataon lang na nasa mall din ako. Feeling ka din eh hano?" panloloko ko naman sa kanya.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay naming, sobrang naging madali para saming dalawa ang magkwento. Eto yung mas masaya kesa sa maingay na party.

Beep!beep!

Busina ng Kotse sa harap naming, di na namin namalayan ang oras. Si kuya na pala itong na itong nasa harap namin.

"eto na pala si Kuya eh, so babye na Timothy. Thank you sa time mo ha? Nag enjoy ako sobra." Sabi ko at tumayo na at hanada nang umalis nang magsalita sya.

"wait Cheska, pwede ko bang makuha ang number mo? Kung pwede lang naman." Sabi nya at nilahad sakin ang kanyang Cellphone.

"sure, why not." Sabi ko at inabot ang phone nya at nilagay ko ang aking phone number.

"thank you din, Francheska." Sabi nya nang iaabot ko na pabalik ang kanyang cellphone.

"sige, mauna na ako. Ingat ka ha?" sabi ko at naglakad na papasok ng sasakyan.

Nang makaupo ako ay may nakakalokong ngiti ang bumungad sakin, para bang nang aasar talaga.

"What's with that smile huh?" I said.

"Our baby girl is now a lady." Sabi ni Kuya Red at tsaka lumakad ang sasakyan.

"ewan ko sayo kuya." Sabi ko at inirapan ko na lang sya. 

I Hear Your MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon