Part 3

36 29 1
                                    

[Althea's POV]

Nagising ako dahil sa sobrang init na nararamdaman ko sa aking paligid na animoy pinapaso ang balat ko. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay may nakita akong bahay. Hindi isang ordinaryong bahay. Bahay na napapalibutan ng apoy.

Oo, Apoy.

Althea, Panaginip lang to. Panaginip lang.

Kukurutin ko na sana ang aking sarili upang magising nang may tumawag sa pangalan ko.

"Althea, Tulong..." tinig ng kapatid kong si Athena.

Ate.

Tumakbo ako papasok sa bahay ngunit agad na napahinto ng makita ko ang Doorknob na napapalibutan ng apoy. Ramdam ko ang init. Takot ako sa init kaya nag-alangan akong hawakan ito.

"Althea..."

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at dali daling hinawakan ang doorknob, "AAAAAAAAAAAACCCKK!!" sigaw ko sa sobrang sakit dulot ng init ng apoy.

Inikot ko ang doorknob upang mabuksan ito at sa mabuting palad ay nakapasok ako. Pagkapasok ko sa loob ay kusang nagsara ng malakas ang pinto na siyang dahilan ng aking matinding pagkagulat.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at biglang napahawak sa aking bibig, "No way," gulat na bigkas sa aking sarili.

Nasa loob ako nang aming tahanan. Tahanan na napapalibutan ng apoy.

"Althea, Andito ako sa kwarto ko..." isang tinig na naman na nagmumula saaking kapatid ang aking narinig.

Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto ni Ate athena at malakas na sinipa ang pinto dahil ayoko ng hawakan ang doorknob nito. Kaso sadyang mapaglaro si tadhana kasi nakalock ito.

Bigla kong naalala na ini-lock ko pala ito at ang susi'y nasa..

Kwarto ko.

Habang papunta ako sa aking kwarto ay may malaking anino akong napansin na paakyat sa aming kwarto. Tumakbo ako ng patungo saaking kwarto at binilisan ang pagbukas ng pinto kahit na napapaso na ang aking mga kamay dahil sa init nito. "Arrghh," daing ko.

Agad kong isinara ang pinto at wala ng patumpiktumpik na hinanap ang susi ng kwarto ni Ate Athena. Nang mahanap ko ito sa aking drawer ay dali dali ko itong kinuha. Sumilip ako sa labas ngunit nanatili sa kwarto ni ate athena ang isang makapal na anino.

"Paano ako makakalabas nito?" Sabi ko sa sarili.

Okay. Althea. Panaginip lang ito. Walang mangyayaring masama sayo.

Lumabas ako ng dahan dahan at nagtungo sa kwarto ni Ate ng hindi pinapansin ang presensya ng anino. Sinusian ko ang pinto at mabilis na nakapasok sa loob. "Woo," maluwag kong paghinga.

"A-Althea!" Sigaw ni ate.

Muli akong napahawak sa aking bibig at napahikbi. "A-Ate!" Sigaw ko sa sobrang pagkalungkot.

Nakita ko siyang nakakulong. Nakakulong siya sa loob ng kanyang cabinet ngunit ito'y may rehas na para kang nakakulong sa isang kulungang pang kriminal. Nakita ko si Ate na umiiyak. Sugatan. Madungis. at may mga galos at sugat. Halatang bugbog ang kalahating mukha.

"ATE!" tumakbo ako papunta sa dereksyon niya ngunit pinigilan niya ako. Napaluhod ako dahil sa hindi malamang dahilan, "A-Ate balik na tayo," Bigla na lamang buhos ang lahat ng luha ko at napayuko.

"Hindi. Althea. Hindi na tayo makakabalik."

Napaangat ako ng tingin at nakitang nakangiti siya saakin.

"A-Ano?" Pagtataka ko.

"Hindi mo ba naiintindihan, Althea? Ito na ang tahanan natin," aniya. "Ito na,"

Prisoner of Sadness : The Althea and Athena StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon