Part 2

35 29 3
                                    

Asan si Ate Athena?

[Althea's POV]

Simula ng pinaalis ni Ate athena ang mga kaibigan niya sa bahay ay walang bakas na natagpuan kung saan naroroon si Ate athena. Para bang bigla nalang naglaho na parang bula. That incident happened 4 years ago.

Nakapag-graduate na ako ng college at handa ng magsimula na maghanap ng trabaho. Habang naglilinis ng aking kwarto ay napatigil ako nang may tumawag sa aking telepono.

[Unknown Number Calling..]

Hindi ko sinagot ang tawag at ipinagpatuloy ang paglilinis. Maya maya ay tumawag ulit ito. Agad kong kinuha ang aking telepono dahil baka ito'y emergency.

[ Athena is Calling ]

Bigla ko na lamang nabitawan ang telepono at napatulalang nakatingin dito.

T-This can't be...

Sa katagalan kong nakatingin ay hindi ko na nasagot ang tawag. Akma kong dadamputin ang aking telepono nang may biglang tumawag ulit.

[ Athena is Calling ]

Nagulat ako at napapikit ngunit tinapangan ko ang aking loob at sinagot ang tawag.

"H-Hello?" sabi ko ngunit nanatiling tahimik ang kabilang linya.

"Hello? Who is ㅡ"

"Althea."

Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ng aking kapatid.

"A-Ate.." Napahikbi ako nang mahina ng sabihin ko ang salitang iyon.

"Tulungan mo ako Althea, Pakiusap." Rinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya.

Pilit kong pinipigilan ang aking paghikbi upang maintindihan niya ang sinasabi ko.

"A-Ate, A-Asan ka?" Pag-aalala ko.

"T-Tulong, Althea"

"Ate makinig ka. Asan ka ngayon?" seryoso kong sabi.

"T-Tulungan mo ako."

"ATE! ASAN KA!" patuloy lang na bumababa ang aking mga luha habang binibigkas ang mga salitang ito.

"T-Tulungan moko!" sigaw niya.

"ATEㅡ"

"NASA IMPYERNO AKOㅡ"

Kasabay ng pagkawala ng linya ay bigla akong nawalan ng malay.

Prisoner of Sadness : The Althea and Athena StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon