Last part

37 28 4
                                    

[Althea's POV]

Nagulat ako ng buksan niya ang pinto ng isang kamay lang ang gamit at walang kahirap hirap.

"Naguguluhan ako," ika ko.

"Hahaha. Althea. Nabuhay tayong walang magulang. Nabuhay tayong walang pagkain, walang tirahan. At isa pa nabuhay tayong walang kaibiganㅡ"

"Paano sila Ate Jazmin?! Felina? Victoria? Si Andrea? Diba mga kaibigan mo silaㅡ"

"MANAHIMIK KA!" napalibutan ng boses niya ang buong kwarto.

Nakakakilabot. Nakakatakot.

Naglakad siya ng dahan dahan papunta sa dereksyon ko. "Hindi mo ba napapansin?" Hinaplos niya ang aking buhok at umikot papunta sa akinh likuran, "Ginagamit lang nila ako," Bulong niya sa aking tenga na siyang nagdulot ng pananayo ng balahibo sa aking katawan.

Agad na nanindig ang aking balahibo pagkatapos niyang sabihin iyon. "P-Paano?" Tanong ko.

"Simple lang. Nakipagkaibigan sila saakin dahil napeperfect ko ang mga exam ko. Sa madaling salitaㅡ" At ngayo'y muli na naman siyang nasa harapan ko.

"ㅡKatalinuhan lang ang habol saakin, Hindi ang Makipag kaibigan Althea. Hindi ang makipagkaibigan." Nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Alam mo ba kung bakit ito na ang tahanan natin?" Tanong niya saakin.

"B-Bakit..." tugon ko.

"Dahil sa buong buhay natin, Nakakulong tayo sa Kalungkutanㅡ" Sagot niya habang dahan dahang lumalapit saakin.

"ㅡat ang kalungkutang ito ang bumuo ng bahay para saatin."

Bigla na lamang nandilim ang paningin ko, pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon.

.....

Bigla na lamang akong nagising sa katok na nagmumula sa pinto ng aking kwarto. Agad itong bumukas at isang magandang ngiti ang bumungad sa akin.

"Althea," She smiled. "Magandang umaga,"

"Magandang umaga rin.... Ate"

Oo, Panaginip lang ang lahat ng ito. Kinwento ko ang lahat kay Ate athena at nagulat siya dahil pati rin siya ay nagkaroon ng ganong panaginip. Maya maya pa ay may pumasok sa aming kwarto.

"Gising na pala ang aming bunso," magandang bungad saakin ni mama at papa.

Oo, may magulang kami at lahat ng nasa panaginip na iyon? ay walang katotohanan sa totoong buhay na mayroon kami dahil may mga magulang kami na nanjan para saamin at mayroong mga kaibigan na handang sumuporta saamin.

Btw, Na-admit kami ni Ate Athena sa hospital ng isang buwan dahil sa hindi pag gising mula sa Bangungot na nangyari.

Akala ng magulang namin, hindi na kami magigising. Ngunit dahil sa kapangyarihan ng pananalangin nila ay naligtas kami mula sa masamang bangungot na iniiwasan naming mangyari.

Ako nga pala ulit si Althea Dizon, Salamat sa Pakikinig ng kwento ko.

♡♡♡

PRISONER OF SADNESS: THE ALTHEA AND ATHENA STORY by Unbelovedliving.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prisoner of Sadness : The Althea and Athena StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon