3 WORDS OF OF A LOVING PERSON

35 3 0
                                    



"Mahalaga ka."
Sa sandaling ninakaw ang iyong identitad
at ang ikot ng mundo'y tila ba bumaliktad
Sinasabi ko sa'yong mayroon kang halaga
at hindi totoong wala kang kwenta

"Ipaglalaban kita."
Sugatan ka lang pero hindi ka talunan
Mayroong magtutuloy sa labang minsan mo nang sinukuan
Handa kitang ipaglaban hanggang walang hanggan
Dahil para sa akin, ikaw ay matagumpay

"Mahal kita."
Isang linyang inaasam marinig ng lahat ng tao
Pinakamatamis na salita saanmang diksiyunaryo
Isang linyang kayang hilumin ang sugatan mong puso
at magsasaayos sa nagkabuhol-buhol mong kwento.

Pero ngayon tila wala syang pake sa mga ito. Ako'y malungkot sa kadahilanang hindi mo iniibig ang mga tulang aking inaalay para sayo. Paano na kung mawala ka sa piling ko. Paano na ako makakagawa ng bagong kwento. Hindi mo lang alam pero akong baliw na baliw sayo.

Unhealed WoundsWhere stories live. Discover now