Sa loob ng apat na sulok ng madilim na kwarto mo
pumatak ang mga luha't hinanakit mo sa mundo
Nagsilbi mong rehas ang pintong kandado
na sa mahabang panaho'y umalipin sa'yoGusto mong makawala sa apat na sulok
ngunit kalayaa'y tila masyadong madamot
Ngunit sisiwang ang liwanag sa pagpihit ng pinto,
ihakbang mo ang mga paa't lumabas ka sa kwartoSa loob ng apat na sulok ng isang gusali
magtatagpo ang mga puso na tulad mong sawi
Sa gusaling tagpuan ng mga wasak at pinaasa
matatagpuan ang hinahanap mong pag-asaSana ako'y mahalin mo na ngayong panahon na ito
Alam kong ikaw na makakapag bigay ng saya, pagibig na hinahanap ng puso ko.®