ang pinto ay wala namang kandado
sa apat na sulok na kwarto
tila rehas at maliit na kwadrado
dingding at pader lang ang kausap mo.Buksan mo ang pintong naka-kandado
palayain ang pag-asa na nasasaiyo
hayaan sumilip ang liwanag na dala ko
buksan ang puso tanggapin mo akoat kung nalulunod kana sa mga luha mo
narito lagi ako iaahon ka sa sakit
pumikit, magdasal, at manalig
lumaban ka at kumapithinihintay kita,
para iyong muling makita
ang liwanag at saya
na kanino man dimo madadama