CHAPTER ONE💐
"JC stop running! Baka madapa ka!"
I can't help but to raise my voice dahil sa konsumisyon. Kasalukuyan kaming nasa mall ng makulit na batang 'to para mamili ng school things. Malapit na kasi ang pasukan at papasok na sya sa kindergarten kaya masyado syang excited.
"Sorry momma."
Tumango ako at hinawakan ang maliliit nyang kamay at hinigit papasok ng store. Dumiretso agad ako sa shelf ng mga school supplies at mabilis na namili. Ng matapos akong mamili ay saka ko napansin na wala na si JC sa tabi ko. Shet, nawawala si JC!
"JC! Baby don't play with momma, asan ka na?"
Nilibot ko ang store hanggang sa mapunta ako sa KPOP section. At doon ko sya nakita habang nakatingin sa isang bahagi ng shelf.
"JC! I told you na wag kang malikot diba?"
Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko dahil na rin sa pag-aalala.
"Momma, I looked like him."
Lumingon sa'ken si JC at itinuro ang isang poster. Sinundan ko ito ng tingin na syang nagpatigil ng mundo ko.
Siya...
~~~~~~~~
9 years ago...
"Wag ka ng magalit Rain. Nagjo-joke lang naman ako."
"Joke lang yun sayo? Eh halos mamatay na ako sa takot!"
Halos hindi maipinta ang mukha ko dahil sa inis ko. Ikaw ba naman ang pahawakin ng patay na ipis. Nakakatakot kaya yun."Sorry na Rain, bati na tayo please."
Tumingin sya sa'ken habang nagpa-puppy-eyes. Ang cute-ay hindi para syang tanga. Galit ako sa kanya kaya hindi nya ako madadala sa ganun."Hindi mo ako madadala sa ganyan. Umalis ka nga dito at naiinis ako sayo."
"Pero Rain-"
"Umalis ka kasi!"
Napataas ang boses ko kaya napatigil sya. At saka sya umalis at naiwan ako. Teka, oo umalis sya at iniwan nya ako.
"Jagi~"
Mahina kong tawag sa kanya, pero hindi nya narinig. Kasalanan ko pala. Bat ba masyado akong mabilis magalit. Napaiyak ako sa frustration, galit na sya sa'ken.
"Rain..."
Mabilis akong nag-angat ng tingin ng marinig ko ang boses nya. At ang nakangiting mukha nya ang bumungad sa'ken na unti-unting nawala dahil sa mga luha na nasa mga mata ko.
"Teka bat ka umiiyak?"
Mabilis akong tumayo sa inuupuan kong bench at lumapit sa kanya. Napatigil sya ng bigla ko syang yakapin at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.
"Rain-----"
"Akala ko, iniwan mo na ako. Sorry. Masyadong mainitin ang ulo ko. Sorry."
Umiiyak pa din ako habang nakayakap sa kanya. Dahan-dahan naman nya akong inalis sa pagkakayakap sa kanya at pinaharap.
"Shhhh. Tahan na Rain, alam mo naman hindi kita iiwan diba? Magalit ka man sa'ken ay hinding-hindi ako aalis. Ako ang pinaka-huling tao na mang-iiwan sayo tandaan mo yan. Ganyan kita ka-love."
He is really a sweet talker, that's one of the reason I fell for him. And i have many reasons why I fell for him.
"Kaya tahan ka na. Ayokong nakikita yang mga luha mo sa mata mo. Pumapanget ka."
YOU ARE READING
My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)
RandomMy Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED) #JungkookFanfiction #MBFIAS Date Started : April 26, 2020 Date Finished : May 28, 2020