CHAPTER TWENTY💐
NAGISING ako mula sa malalakas na katok sa pinto. Saka ko napansin na nakatulog pala ako matapos umiyak kanina. Papungas-pungas akong tumayo habang kinukusot ang mga mata ko at naglalakad papunta sa pinto upang buksan ito.
"Rain!" Bungad sa akin ni Jungkook ng mapagbuksan ko siya.
Nakita kong nagulat siya ng makita ang itsura ko. Hindi dahil sa naka-robe lang ako kundi ang mapula at naniningkit na mga mata ko na halatang dahil sa pag-iyak ko.
"What happened?" Napaatras ako ng inangat niya ang kamay niya at akmang hahawakan ang pisngi ko.
His hand was hanged up in the air a few seconds bago niya ito binaba.
"Ano ba talagang nangyayari sayo Rain. Don't tell me that there's nothing wrong kasi obvious na iniiwasan mo ako? May nangyari ba? May nagawa ba ako? Tell me?" He said while rumpling his hair because of frustrations.
He looks so confused and frustrated because of what I am doing. Bakit ba ganiyan siya? Bakit ganiyan siya umarte? Bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? Bakit parang hindi niya ako ginagamit at niloloko kung umarte siya?
"Please tell me Rain. Don't go on silent treatment with me. You know how much I hate that."
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita. Hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko kanya. Ayokong magbreakdown sa harap niya kasi parang sinasabi ko na din noon na talo na ako.
"Ano ba Rain?!" Tumaas na ang boses niya na ikinaigtad ko pero nanatili pa din akong tahimik.
"Fine!" He suddenly snapped. "You don't want to talk? Then don't. Wag mo na ding asahan na kakausapin pa kita." And he left sulking. I know he wasn't serious. Alam kong magtatampo-tampuhan lang siya para ako mismo ang lumapit at makipag-usap sa kanya.
I heaved a sigh at tuluyan ng lumabas ng kwarto saka nagtungo sa kwarto ni Jungkook. Alam kong wala siya ngayon doon kasi nakita ko siyang bumaba kanina. Agad akong nagbihis ng makapasok ako at kinuha ang mga damit at gamit ko para mailipat sa dating kwarto na ginamit ko.
Matapos kong maiayos ang mga damit at gamit ko sa bago kong kwarto ay lumabas na ako at nakita ko sila Jungkook at JC na nasa labas at nag-uusap. Mukhang may pinaplano ata silang dalawa sa akin base na din sa patingin-tingin nila sa akin. Hindi ko na sila pinansin at pumunta nalang sa kusina para magluto na ng pananghalian. Halos ilang oras din pala akong nakatulog pagkatapos kung umiyak at nagising na lang akong tanghali na.
Nang matapos akong makapagluto ay inayos ko na ang mesa at lumabas na ako at naglakad palapit sa kanila.
"Lunch is ready. Let's eat..."
Agad na tumalikod si Jungkook ng makitang palapit ako sa kanila. Habang si JC ay nakatingin sa akin na parang nagtatampo.
"What's with that look JC?"
"Bakit hindi niyo po kinakausap si Daddy, Momma? He's hurt. You hurt Daddy."
I rolled my eyes upward. At talagang naghanap pa ng kakampi si Jungkook sa anak ko.
"If you're done sulking, saka na kayo pumasok at kumain. Lunch is already on the table." At mabilis akong tumalikod at naglakad papasok ng bahay.
Imbes na magtungo sa dining ay pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagkulong. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. At talagang siya pa ang may ganang magtampo at mag-sulk? Napaka-kapal ng pagmumukha e.
Almost thirty minutes passed when someone knocks on my door. Alam kong hindi ito si Jungkook kasi nagdadrama pa siya kaya binuksan ko ito. Then I saw JC holding a tray of food on his both hands.
YOU ARE READING
My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)
RandomMy Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED) #JungkookFanfiction #MBFIAS Date Started : April 26, 2020 Date Finished : May 28, 2020