CHAPTER SIXTEEN

698 14 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN💐




A week passed at halos araw-araw na wala ang anak ko dahil palagi siyang nilalabas ni Jungkook. Pinakilala niya na din si JC sa mga members niya ilang araw na ang nakararaan at umuwi itong madaming dalang laruan, damit at pagkain. Mukhang spoiled ata 'tong batang 'to sa mga uncles niya.

Ngayon ay inaayos ko ang mga gamit ni JC dahil sa request ng mga uncle nitong mag-stay daw ang bata kahit isang gabi lang sa apartment nila. If you don't know who am I talking about, then I'll tell you. Yes, it's BTS. Wala na din akong nagawa ng pakitaan na naman ako ng puppy dog eyes ni JC. It seems like he enjoys the company of his Daddy and his uncles.

"Wag kang masyadong malikot don ha. Wag ka din pasaway sa Daddy mo. Gosh, I'm worried baby. Wag ka nalang kaya tumuloy?"

Lumabi siya, "Momma naman e. You agreed already."

"Pero kasi--"

"Magbi-behave po ako Momma. I promise." Then he raised his right hand na parang nanunumpa.

"Promise mo 'yan ha."

"I promise na nga Momma e. Crossed my heart." Then he draw a cross above his chest where his heart is located.

"Sige na."

Matapos kong maayos ang bag niya na may lamang ilang piraso ng damit at ilang bagay para sa kanya ay tumayo na ako sa kama at binuhat siya para bumaba kami ng bahay.

"Momma, wag mo na po ako ikarga. Big na po ako e."

Nginitian ko lang siya. Oo mabigat na siya, syempre 6 years old na siya at malaman na bata. Pero hindi ko siya binaba. I miss carrying him in my arms like this before. Hindi na pala baby ang anak ko. But he'll always be my baby.

"Talaga big ka na? Sino may sabi?"

"Sabi po ni Daddy big na po ako kasi magiging Kuya na po ako. Yung parang sina Uncle Storm at Uncle Thunder sayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng anak ko. What the fuck! Anong pinagsasabi ni Jungkook sa kanya? Tangina, may binuntis bang ibang babae si Jungkook? Hindi ko mapigilang magalit at masaktan sa narinig at naiisip ko. Hindi ko man aminin ay umaasa pa din akong mabuo kami at magkaroon ng kompletong pamilya ang anak. Pero mukhang hindi na mangyayari yun. Well, simula pa lang alam kong hindi naman mangyayari yun kasi alam kong galit si Jungkook sa akin. Pero kasi... ewan ko ba. Nagugulahan na din ako sa sarili ko.

"Momma!"

"Huh?"

"Momma, are you okay?"

Naguguluhan akong napatingin kay JC. Mukhang lumalim yata ang pag-iisip ko at hindi napansin ang pagtawag niya. I cleared my throat then I forced myself to smile at him then I nodded.

"O-of course I am. Come on, ibababa na kita kasi big ka na pala."

I tried to pushed away those thoughts na alam kong makakasakit lang sa akin. Wala na naman akong magagawa kung meron ng ibang nagpapasaya kay Jungkook kasi kasalanan ko din naman. Ako yung unang nang-iwan e. At tinago ko pa ang anak ko sa kanya. Hindi dapat ako magalit sa kanya.

Ibinaba ko na si JC at pumanaog na kami pababa ng bahay. Since kami lang namang dalawa ang andito kasi nasa trabaho silang lahat at mamaya pa naman darating si Jungkook para sunduin si JC ay magbi-bake nalang muna ako ng cake.

"Gusto mong ipag-bake kita ng cheesecake, baby?"

"Cheesecake Momma!" Kumislap ang mga mata niya.

Tumango ako. He excitedly pulled me to the kitchen para siguro masimulan ko na. He really loves cheesecake so much.

"Help ako Momma ah."

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now