Chapter 1
"Anong problema"? takang tanong nya sa akin, kaya tuluyan sya napahinto sa paglalakad.
"Nakikita ko ang bagay na ito tulad sa mga mata mo, kapareho ng kulay ng iyong mga mata sabi ko sa kanya sabay turo sa bagay na iyon.
'Nang nakita ko ito may kakaiba akong naramdaman, kakaiba, anong tawag sa bagay na iyon? tanong ko sa kanya ngunit hindi sya sumagot at nakatingin lamang ito sa akin.
Napadilat ako ng aking mga mata, hays isa nanaman sa mga alala na hindi ko makalimutan.
Naalala ko nasa hospital pala ako, tagal ko na rin naka stay sa ganitong lugar. Kamusta na kaya sya? Okay lang kaya? Buhay pa ba sya? mga tanong na nakakagulo sa aking isipan.
Kumuha ako ng isang pirasong papel para kamustahin sya, kinuha ko na rin ang quill pen, upang makapagsulat na.
Isang liham para kay Ash
Isang daang dalawampung araw ko na sa hospital na ito, sa ngayon ay nagpapalakas pa ako ng aking katawan, nahihirapan pa rin akong kumilos dahil sa mga natamong sugat, ngunit hindi pa ako tapos sa mga mission, hiling ko sana na makabalik na ko kaagad sa militar-
Hindi ko na naitapos ang aking sinusulat subalit nahihirapan akong galawin ang kamay ko, hindi totoong kamay, nang pupulutin ko na sana ang panulat ko biglang humangin ng malakas, lumipad ng tuluyan ang isang pirasong pinagsulatan ko para sa kanya.
Balak ko sanang kunin ang panulat ko ngunit bigla akong nawalan ng balanse kaya nahulog ako sa sahig, na nagdahilan ng ingay.
"Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" tanong ng lalaking kakarating lang upang tulungan ito.
"Nasaan si Ash"? eto kaagad ang tanong ko sa kanya.
"Wala sya rito" sagot naman nya
"Maari kong bang matanong kung nasaan sa ngayon?" Nakabalik ba sya sa kanilang tahanan? Kamusta ang mga sugat na natamo nya? Alam kong mas maalala ang natamo nyang sugat kaysa sa akin. Buhay pa ba sya? eto ang mga tanong na sana masagutan ng klaro.
Napatingin ako sa kanya, upang hintayin ang mga sagot sa aking katanungan.
" Siya ay- biglang naputol ang sasabihin dahil sumingit ang isang nurse na pwede na daw akong I discharged.
"Pumunta si Colonel Henry dito upang kunin ka" sabi ng nurse.
Sya daw si Colonel Henry, wait Colonel?
Bigla akong napatayo ng di oras, sumaludo ako kaagad sa kanya
"Tumayo ka nga ng maayos, Ivory" sabi nya sa akin
"Sorry kung hindi ko kaagad natandaan ang iyong pangalan at ang ranko mo" paumanhin ko kaagad sa kanya.
"Okay lang, maaari ka ng umupo" Buti na natandaan mo ako ah? tanong nya
"Nagkita na tayo noon, bago ang huling laban" sabi ko
Tumango na sya bilang pagsagot ngunit na pansin nya ang panulat ko na nahulog at nagtanong.
"Anong ginagawa mo"?
"Nagsusulat ako ng liham para sa kanya" ngunit naalala ko hindi pa nya nasasagot ang tanong ko kanina.
"Kamusta na si Ash?" tanong ko ulit sa kanya
Yumuko sya at huminga ng malalim.
"Okay lang sya, kaya nga ako pumunta rito dahil utos na iyon" sabi nya "Sabi ng mga doctor nanalo sila sa laban"
"Magbihis ka na dyan" tumalikod na sya pagkasabi ng mga katagang iyon
Hindi ako kuntento sa sagot nya, kulang iyon, nabawasan lang ng konti ang gumugulo sa isipan ko
'Sana lang buhay pa sya'
'Buhay pa kaya sya?'
Sana
YOU ARE READING
Through Letter
Teen FictionIvory Falcons was not educated like regular human being and did not understand human feelings well. She was raised and grew up as a person who had feelings but couldn't perceive or express them. Isa ito sa mga dahilan kaya tinawag syang walang emosy...