Chapter 2

20 15 0
                                    


"Eto na ang iyong mga gamit, nakakarating lamang, sila ay tila nagkamali ng padala sa isang nakapalayong army base, kaya ngayon lamang ito nakuha." sabi nya at ibinigay nya ito sa akin.

"Yung brooch nasaan? Yung emerald brooch ko nasaan?!"

"Yan lamang ang mga bagay na nakita nila sa quarter" mahinanong sabi ng nurse na nagdala nitong gamit ko.

"Kung wala rito kailangan ko yung hanapin ngayon" sabi ko tsaka tumakbo ngunit pinigilan ako ni Colonel Henry.

"Isa iyong napaka special na regalo, regalo galing kay Major Ash!" pasigaw kong sabi sa kanya.

Mahigpit ang hawak nya sa pulso ko ngunit, lumuwag rin ito at binitawan na nya.

"Okay , hahanapin ko iyon para sa iyo, Pangako"

"Pero-

"Sasamahan mo ako para mahanap ang bagay na iyon, yun ang kanyang utos"

Napa-buntong hininga muna ako

"Utos?"

Nakasakay na kami sa sasakyan, ngunit nagtanong nanaman ako.

"Kailan ulit ako bibigyan ni Major Ash ng isang takdang aralin? Natatakot ulit ako baka ang ilang mga misyon ko ay maaring lampas sa ganitong estado"

Napatingin ako sa aking kamay, hindi totoong kamay dahil isa lamang itong prosthetic arms na gawa sa metal, dahil ito sa laban ng World War I.

"Ivory"

Tawag nya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Upang ipagdiriwang ang iyong pagkalabas sa hospital, hindi ko alam ano ang gusto mo sa tatlong manika na ito, alin sa mga ito ang gusto mo?

"Wala ni isa ang gusto ko sa mga yan"

"Sabihin na natin na ang mundo ay magugunaw na, kung wala kang pipiliin sa mga ito-

"Yung aso na lang nga" sabat kong sabi sa kanya.

"Oh eto na" binigay nya sa akin iyon

Tinignan ko iyon, at niyakap ko.

"Bakit yan ang pinili mo?" tanong nya sa akin.

"Dahil sabi ng nakakatandang kapatid ni Ash ay isa akong 'Aso ni Ash' sabi ko sa kanya.

"Malayo layo pa ang ating byahe" sabi nya ngunit hindi na ako kumibo.

"Ivory, kailangan mo pang mabuhay at maging malaya, kailangan mo iyon"

"I love you."

Natagalan ang update, pasensya na, i hope magustuhan nyo ang bagong update ko, bukas ulit,sira kasi cp ko, laptop ang gamit ko sa ngayon, yun lang

-akariii

Through LetterWhere stories live. Discover now