Author's Note:
So eto na ang chapter 5, tuloy tuloy na ang pag update natin ngayon kaya sana magustuhan nyo ang next update natin this is Henry POV, have a nice day to all!!!HENRY POV
Kaagad akong pumunta sa opisina ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo kay Ivory
Ililihim ko na lang ba sa kanya or sasabihin ko?
Hayss tsaka na lang siguro, may tamang panahon para masabi ko sa kanya ang mga bagay na iyon. Hindi ko muna iisipin ang bagay na iyon, hayaan ko na lamang na si Ash ang magsabi sa kanya ng totong nangyari.
"Colonel Henry" tawag sa akin ni Ash.
"Ano ba iyong sasabihin sa akin? Napaka importante ba iyan kaya ba kaagad mo akong tinawagan kanina?"
Nasa camp nila ako ngayon, nag uusap kaming dalawa lang, ewan ko ba sa Ash na ito bakit minamadali nya akong pumunta sa camp nila. Hindi naman ito kalayuan camp namin kaya okay lang naman iyon sa akin.
"Napaka importante nagsasabihin ko sayo kaya kaagad kita pinatawag" seryosong sabi nya.
"Dahil malapit na ang laban, kung sakali man may mangyari hindi kanais nais sa mga susunod na araw, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako, pwede mo bang bantayan si Ivory para sa akin? Alam mo naman na may tiwala ako sayo, itinuring na rin kitang kapatid kaya sana kapag nangyari ang mga bagay na iyon iligtas mo sya kahit hindi na ako, naiintindihan mo ba?
"Bakit kaya ganyan mga alintana nya? Masyado naman syang seryoso hindi nya bagay.
" I understand, pero huwag mong sabihin na mamatay ka, malakas ka kaya hindi mangyayari sa iyo yun Ash, tiwala lang".
"Hindi natin alam ang kapalaran na mangyayari Colonel Henry kaya sinasabi ko na kaagad sa iyo ang mga bagay na ito"
"Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin?"
Tumango sya bilang sagot...
Masyado mong ginawang komplikado ang buhay ko Ash, bakit hindi ka na lang magpakita kay Ivory para naman hindi naman ako nadadamay sa inyong dalawa..
"Kailan ka ba magpapakita Ash? Gustong gusto ka na nya makita..
Ang rason mo lang lagi dahil hindi sa habang buhay kasama mo sya, dahil may sarili din syang buhay, gusto mong iparanas sa kanya kung ano ang purpose nya sa mundong ito.
Pero alam mo mas maganda sana kung magkita na kayo.. Akala ko ba mahal mo sya Ash?
Ganyan ba kapag mahal mo ang isang tao?
Bakit kasi inisiip ko ang mga bagay na iyon, masyadong ko lang iniistress ang buhay sa mga ganung bagay, may buhay din naman akong sarili kaya ayun muna ang uunahin ko sa ngayon..
For you, what is the meaning of "LOVE"?
Mag iksi din itong update kong ito dahil POV lang naman ni Henry, huwag kayong mag alala next Chapter is mahaba haba na din ~~~
GOD BLESS TO ALL!! KEEP SAFE ALWAYS!!
YOU ARE READING
Through Letter
Teen FictionIvory Falcons was not educated like regular human being and did not understand human feelings well. She was raised and grew up as a person who had feelings but couldn't perceive or express them. Isa ito sa mga dahilan kaya tinawag syang walang emosy...