It's already 10:00 AM at katatapos pa lang ng first subject namin which is Zoology 1100. Though katulad nga ng sinabi ko, walang klaseng naganap dahil sa loob ng halos dalawang oras ay nakinig lang kami sa orientation ni sir West–advisory instructor namin and at the same time, professor namin sa first subject. Idiniscuss niya yung mga rules and regulation ng department pati na'rin ang vision, mission and philosophy nito. Ipinakita din yung grading systems throughout the whole semester, ganun din ang mga special projects and laboratory works na maaari naming iconduct.
"Okay guys, bago ko kayo pakawalan, we will first have an election for your homeroom officers," Anunsyo ni sir Alfonso na ikinabusangot ng lahat.
"Luh sir, tanghali na!" Kontra ni Tiffy, isa sa mga kaklase kong babae.
"Oo nga sir! Next meeting na lang!" Pag-sang-ayon ng lahat dito.
"Hindi yan, then make it quick, bilis na." Pinal na desisyon ng aming adviser habang nakangiti. Hindi nag-tagal ay nag settle-down na'rin ang buong klase at umayos ng upo. Mas mapapabilis nga naman kasi ang election kung sisimulan na kaagad ito kaysa pilitin ang aming adviser na sa next meeting na lamang ito ituloy.
"Okay good, alam niyo naman na siguro ang magiging tungkulin ng mga elected officers, kaya pagbutihin niyo sa pag-pili at pag-boto," Panimula nito at saka inilabas ang isang white-board marker.
"My name is West Alfonso. And the chair is now open for the nomination for president, who want's to nominate," Pagbubukas nito sa election na sinundan kaagad ng pag-taas ng kamay ng mga kaklase ko.
"My name is Brayce Jimenez. And I would like to nominate Mr. Zachary M. Bautista for president." Proud na anunsyo nito at saka ako nginisihan bago bumalik sa pagkaka-upo. Napa-simangot na lamang ako sa kagagawan ng magaling kong kaibigan.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng classroom kung saan nakita ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin–maliban sa lalaking naka-upo malapit sa bintana. It looks like he doesn't even give a fucking interest to this election at all. Nasa labas pa'rin ng bintana ang atensyon nito which makes me irritated–again.
"Mr. Bautista is nom—"
"No objection sir! Siya na yung president!" Pagputol ni Tiffy kay sir Alfonso. Napa-buntong hininga na lamang ako. Here we go again!
"Oo nga sir, wala ng botohan! Si Zach na po ang president namin, diba guys?" Pangungumbinsi pa ni Peanut na sinang-ayunan naman ng lahat.
Naiwang nakabukas ang bibig ng aming adviser. Nagtataka ito at hindi makapaniwalang tumingin sa klase. He cleared his throat and positioned his eyeglasses.
"O-okay, sigurado kayo ha? Then Mr. Bautista is now officially your block president, give him a round of applause." Sir Alfonso proclaimed as he call me on the front to continue the election.
Frankly, I knew it was going to happen eversince Brayce nominated me. For the past two years in our senior high, they always did this to me, pinagkaka-isahan nila ako. Kesyo I'm fit to be a president daw and I can always handle the pressure, which I sincerely admitted. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon, all I remember was I'm quite good at leading people and I think it was an instincts at first, hanggang sa dumating yung time that I moved to my own place, it's when I was in grade 11 and that was the start na naging independent ako.
I opened the nomination for the vice president and the election continues. Sa totoo lang ay hindi naman na talaga election ang nangyari kundi appointing, halos wala na kasing botohan na naganap, kung sino na lang ang gusto ng majority ay yoon ang na-e-elect. Kung sino ang pinaka maganda magsulat ay siyang naging secretary, kung sino ang sanay sa keeping and auditing ay sila yung naging treasurer and auditor, as well as the position for the PIO and Sgt. At Arms appointing din ang nangyari. Hindi naman na ako nag-reklamo pa dahil may punto naman sila sa bagay na iyon, mas mapapabilis nga naman ang election and besides wala din namang nagreklamo at nagbigay ng negative comments patungkol sa mga apppointed officers.
BINABASA MO ANG
SOLVING YURi (Boys Love)
RomanceIsang mala-thai BL series na love story ba ang hanap mo? Yung unpredicted and hindi cliche ang plot? Very manly and hindi mga pabebeng characters? Dagdagan mo pa ng may pagka-misteryosong pagkatao ng mga bida! Know the characters! Predict the happen...