Nagdaan ang dalawang araw matapos sa nangyari malapit doon sa library at di na ako kinulit pa ni Xian.
"Irene, nakikinig ka ba?" iritable na tanong ng kaibigan kong si Freya ng mapansin na hindi ako nakikinig sa plano naming overnight sakanila.
"Matagal pa naman yan Freya bat ba pinaplano na natin kaagad!"
Natapos ang linggo at ilang araw din ang nagdaan at medyo busy at pagod ako dahil sa practice namin para sa cheerdance, malapit na din kasi ang laban kaya doble ang effort na binubuhos ko para sa practice.
"Ayan lang muna for today, magpahinga na kayo at umuwi.." nakahinga ako ng maluwag pagkasabi ni Coach non.
Ni-ready ko na ang bag at nag paalam sa mga kaibigan ko dahil mauuna na akong umuwi dahil sabik na akong makatulog ng mahimbing. Grabe ang pagod ngayong araw!
Nag abang na ako ng bus sa terminal, buti nalang din talaga at hindi rush hour kaya madali lang ako makakasakay.
Napansin ko iyong lalaki na nasa tabi ko, nakaupo din ito kaso nakayuko siya kaya di ko makita ang mukha niya pero familiar siya saakin!
Nagsi-datingan na ang mga bus kaya iniangat na nito ang ulo at dahil napansin niya ata na naka titig ako sakanya lumingon ito sa gawi ko.
Siya nga! Nanlaki ang mata ko ng marealize na siya iyong lalaki na tumulong saakin para layuan ako ng unggoy na iyon!
"Hi, ikaw yung tumulong saakin diba?"naka ngiti kong sabi upang maalala niya kung sino ako, baka kasi nalimutan niya na ilang araw na din kasi ang nagdaan.
"The so called gilfriend of Xian?" kalmadong tanong niya saakin.
"Di niya ako girlfriend..."
Iniangat niya lang ang isang kilay at naglakad na pasakay sa loob ng bus.
Umupo siya sa bandang gitna malapit at dahil magkasunuran lang naman kami napag pasyahan ko na umupo sa tabi niya.
"Late ka ba lagi umuuwi?" lumingon ito saakin kaya nilingon ko din siya pabalik para sagutin.
"Hindi, late lang talaga natapos ang practice ko" matapos ng sagot ko ay tumango lang siya
Medyo awkward na tuloy, tumingin nalang ako sa bintana at nag isip kung itatanong ba kung ano ang sinabi niya kay Xian at paanong tinigilan ako nito bigla?
Matagal pa bago ko napag- pasyahan na di matatahimik ang utak ko hangga't di nalalaman iyon kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko para itanong 'yon.
"Can I ask you something?"
"Your already asking me, Irene." seryoso niyang sabi at nakatitig na ito saakin
Kaya naman nagulat ako dahil alam niya ang name ko pero ako hindi ko man lang alam name niya.
"How did you know my name?"gulat na tanong ko dito
"Basta" maikli nitong sagot saakin
Di naman halatang di siya madaldal 'no?
"What's your name?"
kuryoso ko lang siyang tiningnan at nag aabang ng isasagot nito saakin."John.." Pagkasabi niya non ay tumayo na siya at sinuot ang black niyang backpack, andito na kasi ata siya sa babaan niya.
"Bye, keep safe." nginitian ako nito atsaka na nagpatuloy umalis.
BINABASA MO ANG
Hey John,
RomanceAkala ko sa mga palabas lang nangyayari na mahuhulog ka sa taong di mo inaasahang magugustuhan, Pero sino nga ba ang mag aakala na sa milyun-milyung tao sa mundo, sayo lang pala mahuhulog ang tulad ko ━━━━━━━━━━━━━━━━