Matapos noong cheerdance, back to normal nanaman ang routine ko at medyo nabawasan na din ang kinaka stress ko.
Bago din ako pumasok ay dumaan muna ako sa starbucks para bilhan si Freya ng kape, Paano ba naman may hang over pa raw siya!
Matapos kong makabili ay patago akong sumilip sa faculty room ng makadaan ako dito, Alam ko kasi na kadalasan ay nandoon si Theo para asikasuhin ang ibang utos sakanya ng mga profs namin.
"Sino sinisilip mo?" napatalon ako ng marinig ang bulong ni John mula saaking likuran, muntik ko na rin tuloy maitapon sakanya ang kape ni Freya!
"Wala" nauutal kong sagot dito bago siya irapan at mas lalo pa nga ako nainis ng dumating nanaman iyong si Sam.
"Andito ka lang pala pinapatawag ka na ni Maam Basquez ha?" pabebeng sabi nito sakanya.
Napansin din siguro ni Sam na magkausap kami kaya saglit niya akong tiningnan atsaka tumalikod din ng tanguan siya ni John at sabay na nga sila naglakad paalis.
Pagkabalik sa room ay inabot ko kaagad kay Freya ang coffee niya at umupo doon sa tabi niya.
"Anyare 'te? Mukha kang mangkukulam ha?"natatawang sabi nito saakin habang iniinom ang kape niya dahil wala pa naman ang prof.
Itong babaeng 'to sarap ding kotongan eh, matapos kong bilhan ng kape niyang pagka mahal mahal lalaitin pa ako!
Noong uwian na din namin ay inulit ulit pa saakin nitong si Freya na sa sabado daw ay dapat maaga kami aatend sa party na sinet ni Hannah.
"Don't forget to wear anything basta black ha!" Pinanlakihan p ako ng mata nito kaya tumangl nalang ako at kinawayan na si Freya.
Payapa ako naglalakad palayo na sa building namin at inisip kung ano ang magandang ireregalo ko para kay Ali. Natigilan ako at nagulat dahil mula sa kalayuan ay natatanaw ko si Xian at si Sam.
Nagtatawanan silang dalawa at nakaupo doon sa bench sa di kalayuan.
Hindi naman sa judgemental ako pero hindi ba sila ni John pero bat andito siya at kasama itong unggoy na 'to? Sumasakit tuloy ang ulo ko kakaisip doon.
"Ang sakit niyo naman sa bangs.."
Sabagay iniisip ko din kung bat nga ba ako pumayag na makipag dare noon kanila Hannah eh, Sabagay ako ang natalo kaya normal lang na sundin ko ang dare nila saakin.
Pero malay ko ba na ang ida-dare nila ay aamin daw ako kay Xian na gusto ko siya!
"Sige na Irene, sasabihin mo lang naman kay Xian na 'i like you' tapos pwedeng wag mo na replyan after non!" malokong sabi ni Hannah saakin atsaka nag apiran ni Freya
"Yeah, playboy naman 'yan so sanay na yan ilang babae na rin naman ang umamin sakanya for sure." dugtong pa ni Ali
"Just make sure na after mo umamin wag kang didikit dikit sa asshole na iyon, ok?" Seryoso ngunit medyo nata-tawa ding sabi saakin ni Sachie.
"Ok, sige na nga" kabado 'kong sabi sa mga ito kaya nagsingitian na ang mga ito matapos ang mahabang pangungumbinsi.
Argh! Nakaramdam tuloy ako ng pandidiri dahil baka akalain nga niya ay totoong gusto ko siya. No way 'no! Kahit pa na gwapo siya at sandamakmak ang babae na naghahabol sakanya.
Dare lang ito Irene, kumalma ka.
Pagka send noon ay nataranta ako ng mai-seen niya kaagad at nagty-type na siya!
"Thanks, like you too!" reply nito saakin
Nagsi hagalpakan silang apat sa tawa ng mabasa iyon at ako lang ata itong hindi makatawa sa sobrang kahihiyan!
BINABASA MO ANG
Hey John,
RomanceAkala ko sa mga palabas lang nangyayari na mahuhulog ka sa taong di mo inaasahang magugustuhan, Pero sino nga ba ang mag aakala na sa milyun-milyung tao sa mundo, sayo lang pala mahuhulog ang tulad ko ━━━━━━━━━━━━━━━━