Chapter 8

11 3 0
                                    

Umayos na ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako, nakapag review na din naman ako ng maayos para sa special exam ni Sir Dagatan.

Matapos ang lunch break ay pinatawag na ako sa office ni Sir para i-take ang special exam namin.

"You only have 20 mins para sagutan ito Ms. Diaz"masungit na sabi ni Sir bago ako iwan doon, kaya naman napalunok ako ng makita kung gaano karami iyon.


Shemay, may maisasagot ba ko dito? Wish me luck!


Pagkakuha ko noon ay agad na akong nag focus sa mga alam ko ang sagot, pa minsan minsan ay natataranta ako sa twing madadaanan ng mata ko ang relo sa tapat ko.

Maya maya ay napatingin ako sa bintana ng may kumatok dito.


Nakita ko si John at ang kasama niya na sa pagkaka alam ko ay isa sa mga varsity player sa school.

Nag thumbs ito saakin bago umalis, saglit din tuloy akong nawala sa sarili pero agad din naman ako nakapag focus ulit para mag sagot na ulit.

Matapos ng exam ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Agad din akong nilapitan ni Freya at kabadong kabado ang mukha nito.

"Hirap ng exam ni Sir 'no!" napa kunot lang ang noo ko sa sinabi niyang iyon

"Uhm, madali naman?"

"Ha, anong madali halos sumakit nga ulo ko lalo na doon sa likod na part" nilingon ko agad si Freya at agad nanlaki ang mata ko pagkasabi niya non.

"LIKOD NA PART?!?"napakurap kurap pa ito sa naging reaksyon ko.

Nanlulumo tuloy ako dahil sa masasayang na points!


"Don't tell me di mo nasagutan iyon?" hindi niya na inintay pa ang sagot ko at alam na nito amg sagot ko sa tanong niya ng nilingon ko ito.

Matapos ng klase ay agad sumulpot sa harap namin si Hannah para ayain kami na kumain malapit sa school.

Agad naman ako tumanggi sakanila kaya naman kahit na ano pang pagpupumilit ng dalawa ay hindi talaga nila ako napilit pa.

Sobrang dismayado talaga ako, sayang points Irene!

Umupo ako sa bench at nilapag doon ang gamit, pagkaupo ay nagkasalubong ang mga mata namin ni John andito din kasi sila ata nakatambay ng mga kaibiganniya?


Sagli't pa ay may binulong lang ito sa kaibigan at agad lumapit saakin.


"Kamusta exam?"naka ngiti nitong tanong, gusto ko mang mahawa sa ganda ng ngiti niya ay di ko magawa.



"hmmp" nakasimangot pa rin ako sa harap niya at di siya pinapansin.


Umalis lang ito saglit at pagbalik niya na ay may dalawang ice cream na itong hawak hawak, inusog niya din ag gamit ko para umupo sa tabi ko.


"Ano nangyare? Ikwento mo, makikinig ako."


Hindi ko alam pero pagkasabi niyang iyon ay tumibok nanaman ang puso ko ng sobrang bilis akala mo hinahabol ng mga kabayo!

Huminga muna ako ng malalim bago ikwento sakanya na hindi ko nga nasagutan ang likod na part sa exam ko kanina kaya ako nalulungkot.


"Next time kasi ido-double check mo muna ang mga answers mo" pagkasabi niya noon saakin ay ginulo nito ang buhok ko atsaka kinuha ang kamay ko.


Hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin doon pero nilabas niya ang g-tech na ballpen sa bulsa at nagdrawing siya doon ng smiley face.


Pagkatapos ay tumayo na siya at nagpaalam para umalis, ako naman ay naiwang tulala doon at nakatitig sa iginuhit niya sa kamay ko.

Maliit lang iyong nakasulat doon na 'go minion' kaya naman natawa ako.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey John,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon