Matapos ang paguusap naming iyon ni John pagkauwi ko sa bahay ay hindi na ako agad nakatulog.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nanghihinayang ako dahil ang ikli lang ng paguusap naming iyon?
"yun na yon?" inis na sabi ko sa sarili, ni hindi ko din nalaman ang sinabi niya kay Xian.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil wala naman klase napagpasyahan ko na lumabas at mag jogging nalang, Kailangan ko din kasi kontrolin ang timbang ko para physically fit ako sa laban para sa tuesday!
Matapos non ay umuwi na ako agad sa condo at sakto na nakita ko ang text ni Hannah saakin.
"tambay tayo kanila Ali, g ka ba?" nagtipa agad ako doon ng ire-reply atsaka naligo.
Suot suot ko lang ang basic white shirt ko at ang maong shorts nag suot din ako ng cap at naglagay ng onting blush on at liptint para naman di ako mukhang maputla.
Ilang minuto lang ay nandito na ako kanila Ali, kadalasan talaga ay ang condo nitong si Ali ang tambayan ng buong tropa.
"Hey hindi daw pwede si Freya today"sabi ni hannah habang kumuha ng pizza para ilagay ito sa counter
"Lilipat ka na ba talaga next month Ali?" natahimik kaming tatlo sa di inaasahang tanong na iyon ni Sachie, natahimik kaming lahat at ang atensyon ay na kay Ali lang, hinihintay namin ang tugon niya dito.
Napalingon saamin si Ali at pagod na siyang ngumiti saamin.
"Yes, Inaayos na nila Mommy ang papers" Halata din sa boses niya ang lungkot dahil sa desisyon ng magulang
Since bata pa lang ay kami kami na nila Freya, Ali, Sachie at Hannah ang magtro-tropa, nakaka lungkot lang dahil hindi na namin siya makasama sa graduation.
"Anyways, libre ba kayo sa next sunday? Party tayo!" yaya saamin ni Hannah
Matapos namin na mag usap usap para sa planong farewell party ni Ali ay hinatid na kaming dalawa ni Hannah ni Sachie, Siya talaga pinaka ate sa grupo na ito.
"Bakit nga pala wala si Freya?"tanong ko kay Hannah dahil saaming lima siya naman talaga ang pinaka close neto
"Ewan, may bagong boylet ata?" natawa nalang tuloy kami ni Sachie sa sinagot nito
Nagdaan ang ilang araw at kinabukasan na nga ang aming competition. Kaya lahat kami ay pagod na pagod at kabadong kabado para bukas!
Naglakad na ako sa corridor at natigilan na lang ako ng makita si John sa gilid mukhang may inaabangan ata siya?
"Uy" tinawag ko ito at mahinang tinapik ang balikat
"Tapos na ba ang practice niyo?" tumayo ito at halatang galing pa siya sa idlip
Hindi agad ako nakasalita dahil pakiramdam ko namula ang aking pisngi saglit!
Ako ba ang hinihintay niya?
"John! Andiyan ka na pala!" sigaw ni Sam mula saaking likod
Awtamatiko akong napalingon kay Sam, magkakilala pala sila? Sila ba? Pero ang bata pa ni Sam at feeling ko ka-batch ko lang si John ha?
Nakaramdam ako ng onting hiya doon kay nginitian ko lang si John at tumalikod na para umalis, baka maistorbo ko pa sila! At baka ano pa ng sabihin ni Sam.
Ayan assume pa more Irene, May girlfriend naman na pala eh!
━━━━━━━━━━━━━━━━
BINABASA MO ANG
Hey John,
RomanceAkala ko sa mga palabas lang nangyayari na mahuhulog ka sa taong di mo inaasahang magugustuhan, Pero sino nga ba ang mag aakala na sa milyun-milyung tao sa mundo, sayo lang pala mahuhulog ang tulad ko ━━━━━━━━━━━━━━━━