Huli na ba ko? Di ko na ba mababago ang desisyon mo?" Sambit niya mula sa likod ko, kahit di ko na siya lingunin. Kilala ko kung sino siya. Boses niya palang kilala ko na.
"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito kunyareng tanung. Mukhang alam ko na kung bat siya nandito. Pero gusto kong manggaling mula sa kanya. Alam ko naman na makakarating sa kanya, kaso ang akala ko. Pag wala na ko dito.
"Tsk! Aalis ka, tapos di mo man lang sinabi sakin. Ako tong bestfriend mo tapos wala akong alam." Mapakla akong ngumiti sabay tingin sa kanya.
Oo nga, bestfriend mo ko. Alam ko, alam na alam ko. Kasi kahit anong gawin ko, bestfriend mo lang ako. Hanggang dun lang. Gustong kong sabihin sayo na ikaw ang dahilan kung bakit aalis ako. Kasi baka pag tumagal pa kong kasama ka, mas lumalalim pa tong nararamdaman ko. Baka di ko na kayaning umahon. Na kahit nakikita na kitang masaya sa kanya, baka di ko mapigilan ang sarili ko at agawin ka. Kahit una palang alam kong talo ako. Kasi ako, bestfriend mo lang, e siya, Mahal mo siya. Kaya ako natong lalayo. Kaya please lang, wag mo naman akong pahirapan.
"Akala ko ba, walang iwanan. Akala ko ba di mo ko iiwan." Malungkot nasabi niya.
"I'm sorry. Pero ito yung kilangan ko ngayon. Please, intindihin mo ko. Saka, hindi naman kita iiwan, hindi dahil umalis o aalis ako, iiwan na kita. Ako parin at ikaw parin ang bestfriend ko. Ngayon kampanti na akong umalis, kasi alam kong may mag aalaga na sayo. May makakasama ka na. Nanjan na siya, yung babaeng mahal mo at mahal ka. Alam kong di ka niya papabayaan. Wag mo siyang hayaang masaktan." Pinili Kong sabi to ng di nauutal o umiyak man lang. Ayokong umiyak sa harap mo. Ayokong baka kaawaan mo ko. Ayokong mapaamin sayo, kung anong totoong nararamdaman ko. Kasi ayokong matapos kung anong meron tayo dahil lang sa nararamdaman ko.
"Hindi na ba kita mapipigilan talaga? Ito ba talaga yung gusto mo?" Muling tanung niya.
"O-Oo." Hindi to ang gusto ko, pero ito lang yung nakikita kong paraan para di na lumalalim to. Itong nararamdaman ko para sayo.
tumalikod na siya sakin, sinimulan niya ng maglakad palayo sakin, pero bago siya tuluyang umalis muli ulit siyang ng salita.
"Kung ito nga talaga ang gusto mo, hahayaan kita..." At dun na tuloyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas. Ayun sila at ng uunahang lumabas. Gusto kong hayaan mo kong umalis pero Ito rin ako, at gustong pigilan mo ko. "Pero gusto kong malaman mo." Muling putol niya sa sasabihin niya.
"MAHAL KITA."

BINABASA MO ANG
MAHAL KITA
Teen FictionSi Nathalia ay matagal nang may lihim na pag tingin sa kanyang best friend. Hindi pa nga niya naaamin ang nararamdaman, may dumating na agad na dahilan para mas lalong di niya masabi ito. Maaamin pa kaya ni Nathalia ang nararamdaman niya sa lalaki?