1st Chapter:
Ngayon ko nalang uli ito naramdaman. No it can't be, not again please.
Binigyan ko ito muli ng sulyap at pinasadahan ang buong litrato.
Nakasandal ito sa bakal gamit ang isang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa baywang nito. Para tuloy itong modelo sa ginawang posisyon. Bahagya pang nahapit sa katawan ng lalaki ang kaniyang puting damit na basa, halatang nasa beach ito dahil sa background at ang tumutulong tubig galing sa magulong basang buhok nito. Nakita ko pang pinasadahan niya ang kaniyang magulong buhok gamit ang kaniyang mga daliri dahilan kung bakit umayos muli ito, hot.
I suddenly stop describing of what is in the picture nang mapansing parang nagplay ito sa paningin ko. Fudgee it's just like before. It couldn't be right?
Nang magsawa ay nagscroll pa ako. I was just planning to back off when the internet became low and only 4 throwback photos was allowed to see perhaps I'm not his friend on facebook that's why.
Ngunit ng nakakuha muli ng signal ay may nagpopped up na video. Oh it was the boy named Reid. “Photograph covered by Reid Aldz Ravella.” was the caption. I'm just planning to play it when I heard a footsteps planget the ground. I know that sounds. Sister Elise.
Dali dali akong nagtalukbong gamit ang manipis na kumot at bago pa ako mahuli ay napatay ko na ang ilaw na nanggagaling sa teleponong hawak ko. Umalingawngaw sa paligid ang tunog nang bumukas ng dahan-dahan ang pinto, mahina lamang iyon ngunit dahil sa matinding katahimikan ay lumakas iyon sa pandinig ko.
Pinakinggan ko ng mabuti ang mga yabag na papalapit. Ang akala ko ay sa tapat ko ito huminto ng hindi ko na ito marinig ngunit hindi pala.
“Aspen magmamadaling araw na ay hindi ka pa natutulog. Dapat ay kaninang alas syete tulog ka na ngunit ayan ka't telepono pa rin ang hawak. Sister Garrett pakikuha ang hawak niyang telepono.” malumanay lamang ang pagkakasabi no'n ni sister Elise ngunit maririnig mo ang kapangyarihan.
Mabuti na lamang ay napatay ko agad yong cellphone ko. May nakita akong maliit na butas sa kumot na gamit ko kaya't ito nagsilbi kung bakit ko nakikita ang nangyayari. Kawawang Aspen.
“P-pasensya na po Sister Elise hindi na po m-mauulit. Ti-tinatapos ko lamang po ang kailangan kong tapusin na ta-takdang aralin para bukas.” nanginginig na ani Aspen. Sino ba naman ang hindi matatakot kay sister Elise e sa awra pa lamang nito ay parang walang buhay ngunit mababasa mo ang pagka-awtoridad. Nakakatakot sabihin na natin.
“Ayan nga lang ba ang pinagkakaabalahan mo Aspen?” tanong ni sister Elise kay Aspen na ginagala ang kaniyang paningin sa paligid animo'y nagmamasid kung mayroon pang gising maliban kay Aspen.
“O-opo sister.” nakayuko ito marahil ayaw tignan ang nanunusok na tingin ni sister Elise.
“Sister Garrett bukas na bukas ay ipalabas lahat ng librong pang aral para sa mga dalaga't binatang ito para hindi na sila gagamit pa ng telepono ng ganitong oras. Simula rin bukas ng ala sais ng hapon ay ipapakuha ko lahat ng teleponong gamit niyo. Iparating mo iyan sa mga kakwarto mo. Matulog ka na. Gumising ka na lamang ng maaga at ituloy mo ang iyong ginagawa.” ani sister Elise napatingin pa sa bandang hinihigaan ko kaya't napapikit na lang ako ng mariin baka mahuli pa ako.
YOU ARE READING
"She's In Love"
Teen FictionShe's In Love... ... to a guy who loves music. ... to a guy who has mild voice everytime he open his lips just to sing. ... to a guy who almost perfect. ... to the guy she think she can't have. He's In love... ... to a maiden he wants to be with. ...