Chapter TWO

3 2 0
                                    

2nd Chapter:

Nang makita ko sa bungad ng pintuan ang locker pinaglagyan ng mga telepono ay hinanap ko na ang pangalan ko do'n at nakita ko ito sa tabi ng kay Aspen. I remembered what he said and he's confusing me. What's that all about?

I saw sister Emery coming. “Kel, ika'y kumain na. Kayo na lamang dalawa ni Aspen ang hindi pa kumakain. Sasaluhan kayo ni sister Elise sa hapag. Magsuot ka ng simple ngunit eleganteng tignan na bistida.” she tapped my shoulder before she turned her back and left me open-mouthed. Aspen and sister Elise with me in dining? Okay, just go with the flow Kel.

Pagkatapos kong magpalit ng puting bistida ay tinungo ko na ang hapag kainan. Kagaya ng sinabi ni sister Emery ay simple ngunit eleganteng tignan ang suot kong ito na nakita ko lang sa kamang pinagtutulugan ko. Bungad palang ay naririnig ko na ang masinsinang pag-uusap ni Aspen at ni sister.

Magandang gabi po, sister Elise, Aspen.” pinagsunod ko pa ang pagsulyap sa kanilang dalawa. Napansin kong hindi makatingin sa akin si Aspen. Napasulyap naman ako kay sister Elise na ikinagulat ko dahil nakangiti ito sa akin kaya't ngumiti nalang din ako.

Magandang gabi din Kelsey. Napakaganda mo sa iyong kasuotan. Maupo ka at tayo'y kakain na. ” she said while looking at Aspen still can't give me just one stare. It's just fine for me I still feels awkward.

Nagsimula na rin kaming kumain at ang maririnig mo lang sa hapag ay ang mga kubyertos na nasasagi sa platong ginagamit namin dahil sa katahamikan. Nang matapos akong kumain ay nakita kong tapos na rin si Aspen. Hindi ko naman pwedeng iwan nalang sila dito dahil tanda iyon ng pagbibigay disrespeto sa sister at kay Aspen kaya't nanatili nalang ako sa inuupuan ko at hihintayin nalang ang permiso na manggagaling kay sister Elise.

“Nga pala Kelsey bakit alas sais, trenta'y dos ka na nakarating? May ipinagawa ba sa eskwelahan kaya't natagalan ka pa?” tanong niyang kay Aspen naman nakatingin. Napatingin naman ako kay Aspen na nakatingin lang sa bintanang bahagyang nabukas, napatingin ako do'n at umaambon pala. Nakita ko ring inayos na ni sister Elise ang ginamit niyang kubyertos tanda na siya's tapos na.

Umayos ako ng upo bago tumugon, “Hindi po sister naliwaliw lamang po ako sa paglalakad kanina habang gamit ang aking telepono kaya't hindi ko na namalayan ang oras.” napakapormal. Naalala ko tuloy 'yong lalaking 'yon in-accept niya na kaya ako?

“Baka naman ay may sinipot ka lang na lalaki diyan kaya ka natagalan.” nagulat pa ako sa sinabi ni Aspen. So that's what his thinking from the very start? That I'm seeing someone? Fuck him!

“Aspen! Ano ba iyang sinasabi mo? Alam nating mabait na bata itong si Kelsey kaya't tigilan mo iyang iniisip mong ganiyan!”  masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng sister. Kumuyom ang dalawa kong kamao. Now I'm the one whose hating him. He murmured something but I didn't hear it.

Nang walang nagsalita ni isa sa amin ay may sinabi uli si sister Elise na naging dahilan ng paghataw ng puso ko.

Tumigil na kayo. Kaya ko kayo pinagsabay na dalawa ay nais kong sabihin na lilipat na kayo sa iisang kwarto.” may mga sinabi pa siya tungkol sa pag-aaway naming gan'to ngunit wala na akong maisip pa kun'di ang unang sinabi niya.

"She's In Love"Where stories live. Discover now