3rd Chapter:
“What are you saying nagbanyo lang naman ako. Saka left you? Nagpapatawa ka ba?” bigla niya nalang akong hinawakan ng mahigpit. Sa gulat ko ay muntikan ko pang mabitawan 'yong palamig na hawak ko.
Nabasa ko naman ang pagkalito sa mata ng mga tao na nakatingin sa'min. Nakita ko rin si Samy na may nagaalalang mukha habang nakatingin sa akin at kay Aspen, pabalik balik ang tingin nito sa aming dalawa.
“Hinayaan na nga kitang tumingin lang diyan sa cellphone mo at wala akong paki kung sino iyang kachat mo magdamag at 'di na pinansin kung hindi mo ako pinapanood tapos iiwan mo pa ako?
Sa sinabi niya ay natuon muli sa kaniya ang atensyon ko.
“What? Ano bang pinagsasabi mo hindi naman kita iniwan umalis lang ako sandali para umihi. Stop this shit now Aspen, you're confusing me!” gosh.
“And you think I'm not?” ngumisi siya at binitawan ako't iniwas ang tingin sa'kin.
“Still, You. Left... me”
Naalala ko pa iyong napagusapan namin kanina. Ang gulo niya! Pagkatapos no'n ay bumalik na rin siya sa covered court at sinabi pang ituloy na ang laro nagsibalikan na rin 'yong mga nakakita sa amin sa mga upuan nila't isinawalang bahala nalang iyong senaryo na iyon.
Nandito na ulit ako sa bench at katabi si Sam na gusto atang magtanong pero pinipigilan niya lang.
Napatingin ako sa score, lamang ang kalaban nila ng tatlong puntos. Itinago ko na rin 'yong cellphone ko kanina't nagsimula nalang manood baka uminit nanaman ulo ng isang iyon.
Nakita kong naagaw ni Jesse a.k.a Vong (nakasulat sa papel na nakadikit sa likod ng jersey nito) 'yong sa kalaban at ipinasa ito kay Pen pen dahil nakitang walang nagbabantay dito. Kaya pala nakabusangot ito kanina dahil sa pangalan na ibinigay sa kaniya.
Humakbang ito ng paharap at pabalik bago binitawan ang bola sa ere, sho0t! 3 points! Ngayon 67/67 na 'yong score. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras kaya napatingin sa'kin si Aspen gamit ang naglalakihang mata bago kumindat. Loko. Kanina ang sungit sungit lang nito. Tch.
Nasa kalaban naman 'yong bola ngayon at 'yong number 08 ang may hawak hindi ko makita 'yong nasa likod nito dahil nakaharap ito sa pwesto namin. Ng pumalikod iyong nagbabantay sa kaniya na si Jared a.k.a Jhong ay tumalikod ito at nagdribble at pinasa sa kasama nito at shino0t, kapos.
Jose, ayon 'yong nakalagay sa likod ng lalaking nagpasa na binabantayan kanina ni Jared. Mahina nalang akong natawa dahil bagay dito ang ipinangalan sa kaniya dahil butas butas ang mukha nito.
Pagkatapos no'n ay naagaw ni Jared ang bola pero hindi ito makatakas sa nagbabantay sa kaniya dahil halatang sanay na ito roon, napatingin naman siya kay Aspen na binabantayan ng malaking tao kaya hindi niya pwedeng ipasa do'n 'yong bola kaya ipinasa niya nalang ito sa isang kasama nila. Vice Ganda? Fudgee?
Pagkapasa niya rito ay maliksi naman itong nagdribble pagkatapos makawala sa nagbabantay sa kaniya. Akala ko ay lalagpas na siya palabas ngunit nilito niya lang pala iyong kalaban na sumusunod sa kaniya dahilan kung bakit ito ang lumagpas sa guhit at doon siya nakakuha ng tiyempo para i-shoot ang bola, 69/67.
Pumalakpak ako, ang galing. Isinigaw naman ng mga Sties 'yong pangalan ng team nila kaya't mas ginanahan pa silang maglaro. Ilang saglit pa ay time-out muna kaya't lumapit naman si Aspen sa akin para kunin 'yong tubig niya. Habang 'yong mga kasama niya naman ay dumeretso sa kabila, obviously Ebies ang may pwesto dito but I don't think he cares, saka wala nang mauupuan sa kabila dahil halos magsiksikan na rin sila roon.
YOU ARE READING
"She's In Love"
Teen FictionShe's In Love... ... to a guy who loves music. ... to a guy who has mild voice everytime he open his lips just to sing. ... to a guy who almost perfect. ... to the guy she think she can't have. He's In love... ... to a maiden he wants to be with. ...