Chapter 4

2 1 0
                                    

4th Chapter:

Nang napansin kami ni sister Elise ay bigla itong namutla at natutulirong tinaboy si coach at may binulong pa kay coach Astin dahilan kung bakit nilingon kami nito. Bahagya pang nanlaki ang dalawang mata saka napalitan rin lang ng ngiti.

Nang aalis na ito ay tinapik niya pa ang balikat ni Aspen at tumango sa akin pansin kong parang katatapos lang nitong umiyak dahil basa ang pilik-mata nito bago nagdere-deretso palabas.

Sabay kaming lumingon ni Aspen kay sister Elise na may namumutla pa ring mukha at hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagpasada nito ng tingin sa aming dalawa ni Aspen bago nagmamadaling pumasok sa loob.

Fudgee? Mabuti nalang at hindi nito napansin ang pagiging balisa ko.

Narinig kong tumawa si Aspen, “Mukhang mababawasan na ng isa iyong taynga ng dragon.” tch. Bumalik nanaman siya sa pagiging pilyo niya.

Nangangalay na ako Aspen.” sabi ko dito. That scenario realized me something. Gosh!

“HAHA! Tara.” sana lang ay iyang tawa mong iyan ay 'di maging iyak pagkatapos.

Nang makapasok ay narinig ko nanaman ang mga hiyaw ng mga batang pinapagalitan nanaman ni sister Garrett. Naranasan ko na rin iyan, 'yong tipong paluluhudin ka sa malaking bilao na napupuno ng munggo. Kawawang mga bata. Napailing nalang ako.

Nang makarating kami sa kwarto ay nahiga na ako at sinabi kong kumain na rin si Aspen dahil alam kong gutom na siya 'di gaya kong 'di ko alam kung bakit bigla nalang akong nawalan ng gana. Nang lalabas na siya ay may binilin pa ako sa kaniya.

“Aspen pagkatapos mong kumain make those children feels they were free.” nagsusumamo kong ani dito.

Nakita ko namang may sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi. “Gagawin ko,” ngumiti ito. Magpupunta ako dito ng pagkain mo para mainom mo na iyong gamot mo para sa..diyan.” turo nito sa akin at lumabas na rin siya. Ako naman ay 'di ko namalayang nakaidlip na pala.

Naramdaman ko nalang na may gumigising sa akin, “Iha gising na.” pagmulat ko ng mata ko ay nadatnan ko si sister Emery na may nililigpit sa gilid ng higaan.

Bumangon ako't tinignan 'yong nililigpit niya. “Nakatulog ka na kanina at hindi ka na nakakain iha, kaya pumunta ako dito para gisingin ka't pakainin.” tumingin ako sa bintana sa labas, ang langit ay nagiging kulay kahel na. Hapon na rin pala.

“Nabanggit ni Aspen sa akin ang nangyari, maayos na ba ang lagay mo iha?” napalingon naman ako dahil sa sinabi niya. Tipid lamang ako ngumiti upang ipahayag na maayos na ang lagay ko.

Nang makaramdam ng gutom ay pinakain na ako ni sister Emery at pinaimon na rin ng gamot pagkatapos.

“Sister,” nagaalinlangan ko pang tawag dito. “Si Aspen nga po pala?” nakita kong napangiti ito.

“Ayon at sinasamahan ang mga batang maglaro sa palaruan sa labas.” napangiti nalang ako. Tinupad niya 'yong iniutos ko.

“Ako na ho diyan.” sabi ko ng makitang nililigpit na ni sister Emery ang pinagkainan ko. Ngunit sinabi niya'y siya na raw at magpahinga nalang daw ako para makapasok na ako bukas.

Umalis na si sister Emery dahil mayroon pa daw siyang kailangang gawin bigla nga akong nakaramdam ng hiya ng malamang inuna niya pa ang pagpapakain sa akin kaysa sa bagay na iyon, nagmukha tuloy akong bata. Idinaan ko nalang sa bumuntong hininga ang hiyang naramdaman.

"She's In Love"Where stories live. Discover now