"Asaan kana? Bat wala kapa?" Tanong ko sa bff ko. "Antagal ha!"
"Tsadan! Surprise!!" Gulat Ni Betty.
"Chaka mo!" Sabi ko.
"Tara late na tayo. Bilis na" hirit Ni bff.
"Ay nakaka hiya sayo ha. Ako pa yung inuurada mo jan. Eh ikaw 'tong huli." Maktol ko.
"Hahaha friend alam ko. Kaya bilis na, excited ako sa pagkain dun." Sabay takbo ni Betty pasakay ng jeep.Nagkahiyaan sa pagkain. Yun ang pagka dating namin sa grupo. Kanya kanyang kwento. May tawanan, inuman, sigawan at halakhakan mula sa grupo sa labas ng kubo.
Kalalakihan. Yun na. Sila yung mga ungas sa likuran dati. Sympre kasama pala kami dun kasi lookout kami pag nag ka cutting classes sila. May mga kilala ako sa mukha. Meron naman hindi ko na kilala. O baka napasali lang sa grupo nila.
Bulong ko kay Betty habang sumusubo "Hanapan mo na ako ng ka date. Baka may ma refer ka."
"Wait lang, oh ayun pwede naba yun? May tindig, may hitsura." Sagot ni bff.
"Baka may gf naman" sagot ko.
"Hahaha wala akong idea, kasi single pa yan. Diko lang alam kung matitipuhan nya ay babae." Ika ni Betty.Tiningnan ko mula ulo hanggang paa. Pasado. Yummy. Tall. Handsome. Good looking. "Pwede na!" Sabat ko.
Naging prospect ko na yun, crush ko na ata eh. Gusto ko na sya agad agad. Puporma nga ako. Simplihan ko.
Lumapit ako ng pasimple. Kunwari kukuha ng pagkain sabay observe sa katawan nya. Ayun yummy nga. Pwede talaga.
"Classmate, nakuha mo na yung damit nyo ni Betty?" Sabay tanong nya nung mapansin ako.
"Ay hindi pa, saan ba?" Sabi ko agad tapos kunwari na busy sa pagkain.
Umalis saglit at may kinuha sa nka umbok dun sa gilid ng kubo. "Eto oh, sukat nyo na."
Si Betty eh nakikiramdam lang. Busy sa pagkain eh. Gutom ata. "Hoy tara na, sukatin muna natin to. Mamaya na yan." Ika ko.
While in the rest room sinusukat ang damit, kinikilig ako. "Bff, ang gwapo ni Ben ano?"
"Sige try mo baka babaliktad pa yun. Sayang din yun. Diba dati pa yun ganun. Sa room pa lang." Sagot ni Betty.
"Sayang naman" panghinayang ko.
YOU ARE READING
Never Been My First Love
RomanceNaniniwala ka ba sa hula? Destiny ko daw yung taga amin lang. HALLER!! Taga dun nga ako wala naman akong naging boyfriend ever! Nka ilang exes na ako hindi rin naging okay. Pero sige I try ko nga uuwi naman ako. Baka sakali diba? Why not chocknut db...