May kulugong kulot

4 0 0
                                    

Nag kukwentuhan kaming mga babae na mag ka klase dati. Iba na rin mga hitsura nila. May iba nakatuluyan school mate lang din. Ba't pa lalayo diba? Ang simple ng love life nila. Schoolmate, neighbor, friends of friends. Si Betty kapit bahay lang din. Yung iba ka workmate nila.

Eh ako kaya??

May trabaho naman, may degree at hindi sa pag mamayabang hindi parin yumayaman. Kaso h-

"Betty diba kayo umiinom?"

Naputol yung pagmuni muni ko ng may sumingit sa pandinig ko.

Tumawa si Betty "Ay naku Raindear, tapos na ako jan. Sumingit lang ako dito from work. Kamusta?"

"Ayos lang naman. Tara kain." Sabay pili ng mga pagkain nung kausap ni Betty.

Dinilatan ko si Betty. Telling her na HINDI KO YAN KILALA.

"Ay nako bff, dimo kilala yan? Yan yung sinasabi ko sayo dati na hindi natutuloy yung pagsama sa akin nung birthday ni Tita, nung gumimik tayo sa mall." Himinga uli si Betty at nag patuloy. "Sya si Raindear, classmate natin. Sa likuran din yan. Kasa kasama nung mga akyat bakal boys."

Ngumiti yung kumag, sabay sabi "classmate"

Naalala ko na pero iba yung hitsura nya dati. Maiksi pa Yung buhok nya nun. Base sa observation ko, kulot yung buhok nya na mahaba. Lampas balikat. Parang bida sa movie Yung looks nya. Pang leading men ng mga datingan. Dark guy. Tall. Parang TDH. Oops TD lang. Walang H. Hahaha. Feeling close mka ngiti. FC lang?

Pero... ma appeal sya ha. May dating.

"Kumusta na pala kayo ng gf mo? Dimo dala?" Dinig ko na tanong Ni Betty.

Ayun, X na sya sa list ko. Di naman din ka H-H eh. Ma appeal lang.

"Anong gf? Meron ba ako nun?" Sabay tawa at napa tingin ang kumag sa akin.

Ay naku, mka hanap nga ng prospect sa ibang grupo. Yung walang sabit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never Been My First LoveWhere stories live. Discover now