JK
Puting kisame ang bumungad sa akin nang idilat ko ang aking mga mata. Bumangon ako agad sa napakalambot na king size bed na aking hinihigaan. Ito na siguro ang pinagmamalaki ni Taeron na suite na pansamantala kong titirhan habang nandito ako sa Manila.Puti at light colors lang ang makikita sa kwarto sa gilid ng kama ay may sofa na may animoy mababalahibong basahang nakapatong sa ibabaw. Sa likod naman non ay ang malaking bintanang salamin na kita ang kabuuan ng kwarto mula sa labas. Makikita mo din dito ang kataasan ng building kung nasaan ang hotel suite na ito at ang magandang view na meron sa labas. Sa pag kakaalala ko nasa 18th floor ito.
Naglakad lakad pa ko, para iexplore ang buong suite. Ilang lakad lang ng kaunti ay mararating na ang banyo. It is not just an ordinary bathroom. Wala itong pintuan, bagkus ay lalantad na agad sa iyo ang malaking bathtub kung saan nakaposisyon ito kaharap mismo ng window glass na kitang kita din ang buong view sa labas.
Paglabas ko ng kwarto ay si ahjussi agad ang sumalubong sa akin
"Kamusta ang pakiramdam mo?", tanong niya sakin. Mukhang inaantay niya ako magising kanina pa
Hindi ako sigurado kung gaano katagal ako nagpahinga dahil ang naaalala ko lang ay bago ako mag collapse ay kaharap ko ang isang babaeng hinding hindi ko pwedeng makalimutan....
Si Laura.. Right... That's her name.
I intentionally go closer to her just to see her name tag para malaman ko ang pangalan ng magandang babae na yon.
Wala lang. I was just mesmerized by her innocent face. Mukha siyang mas bata sakin, she's just cute.
And
I wanna be more closer to her. I want more...
Laura
Kakatapos lang ng exam ko, satisfied naman ako dahil nasagutan ko naman ang mga tanong kahit yung iba di naman tinuro."Laura! Let's go. Kakatapos lang ng exam ko. I think we deserve to get wasted tonight!"
"Yes! May bagong bukas na loft club akong nakita sa fb! We should go there. Please Laura, come with us na. You deserve a break"
Yaya sakin nina Agatha at Abby, hindi na ito bago sa akin dahil ilang beses na nila ko inanyayahang sumama sa kanila at ilang beses ko din silang tinatanggihan.
"Naku, hindi ako makakasama sorry. Trabaho pa kase ako.", sagot ko sa kanila
Hindi naman kase iyon ang hilig ko. At isa pa, may trabaho nga ako mamayang gabi. Hindi din naman ako nainom baka ma out of place lang ako sa kanila. Idagdag mo pa na hindi naman nila ko katulad na dukha.
Mayayaman ang pamilya nila Agatha at Abby kaya malamang sa malamang mayayaman din ang mga kaibigan nila at nakakasalamuha sa club. Hindi ako nababagay dun at baka magmukha lang akong basahan.
"Alam mo Laura, kaya hanggang ngayon wala kang jowa e. Inilalayo mo ang sarili mo sa kasiyahan.Minsan magpahinga ka naman at rewardan ang sarili mo." , pang aasar sakin ni Abby
"Ano namang connect non sa pagkakaron ng jowa ha?" , inis kong sabi sa kanila
Gawain na nila yan, ang asarin ako tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Palibhasa pareho sila ni Agatha na mayroon. Medyo sanay na ko sa tukso nilang yan.
Tama naman sila e.
Wala kong panahon para tumanggap ng lalake sa buhay ko dahil maging sarili ko nga di ko pa kaya mahalin, magmahal pa kaya ng ibang tao. Busy din akong ayusin ang buhay ko no.
"Sabagay. Hindi na kami magtataka dahil tatlong beses mo lang naman binusted si Collin. Diba?? Diba... Abby?" , pang asar pa lalo na sabi ni Agatha
BINABASA MO ANG
I'm Taking Over You
DragosteSouth Korean Idol (Jackson Kim) meets an Ordinary Girl (Laura) and will definitely turn their both lives into chaos. Jackson is 24 year old troubled good looking guy from a big entertainment agency from South Korea na nagtravel ng super malayo para...