Chapter 1

9 0 0
                                    

LAURA

Nasa kalagitnaan ako ng panaginip kong nanalo ako sa raffle ng cash prize ng makaramdam ako ng unan na humampas sakin

"Gumising ka na! Late ka na!!!", nabuhayan ako ng marinig ang mga salitang iyon. Ang aking Tiyo Bang na malakas akong hinampas ng unan dahilan para mapabalikwas ako. Amoy na amoy ka pa sa kanya ang matapang na amoy ng gin na sigurado akong kanina pa niya iniinom.

Agang aga lasing na naman siya.

4 na Oras palang ako natutulog. Pero kailangan kong bumangon, dahil kung hindi ko to gagawin mamamatay ako sa gutom.

Ikaw ba ga naman. 2 part time jobs pinapasukan. Isa sa gabi pagkakatapos ng klase at isa sa umaga bago pumasok.

"Anong oras na po?", tanong ko sa kanya

"Ha?? Asihhh di ko ealam Laura"

Ano daw?? Bakit ba kase nagtangka pa ko magtanong sa lasing na ano? Tiningnan ko nalang ang orasan kong nakalagay sa ilalim ng unan. ALAS NWEBE NA!

Sh*t! 10am ang pasok ko sa coffee shop ngayon! Hindi ako pwede mag overtime dahil may pasok pa ko ng 1pm.

Pandalas akong pumunta sa banyo, ni hindi ko na nagawang linisin ang mga kalat kalat na mga papel sa higaan ko.

Magdamag kasi akong nagreview pag kagaling ko sa trabaho kagabi. Hindi ako pwedeng bumagsak. Ito nalang ang maipagmamalaki ko, ang kasipagan ko sa pag aaral at mataas na gradong nakukuha ko.

Dali dali kong binasa ng tubig gamit ang tabo ang katawan ko. Pinag masdan ko ito sa salamin na nakasabit sa banyo. Kitang kita ko ang kabuuan ng katawan ko hanggang hita.

Hindi naman ako katabaan, hindi din sobrang payat. Tama lang ang hubog ng aking katawan.
Kahit papaano naman masasabi mong may korte ito nakadagdag pa don ang pakurba kong mga balakang at flat na tiyan. Mahaba din ang aking mga biyas sabi nga nila.

Wala lang. Share ko lang

Matapos kong magbihis at ayusin ang sarili ko. Lumabas na ako para pumasok sa trabaho

"Pengeeeng eakowng pweraaa Lawreaa", Ha? ano daw?

"Wag ka magbingi bingihaaaaan!!!", sigaw niya malapit sa tenga ko na dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Sobrang natratrauma ako kapag sinisigawan ako. Alam kong hindi niya ako titigilan kung iwanan ko siya sa bahay na hindi nagbibigay ng pera.

Agad ko nalang kinuha ang pera na nasa wallet ko at ibinigay iyon sa kanya.

"Papasok na po ako", paalam ko sa kanya pero di niya ako pinansin busy siya sa pagbibilang ng sweldo kong binigay ko sa kanya. Sweldo ko iyon sa 1 buwan kong pagtratrabaho bilang waitress sa resto bar ng kaibigan niya.

5 taon na kong nakatira kay Tiyo Bang. Mabait naman siya, pag hindi lasing. Mukha lang talaga siyang pera at naiintindihan ko naman iyon.

Simula bata pa lang ako hinayaan niyang sa bahay niya ako tumira at kumain. Iniwan ako ng nanay ko sa kanya bata pa lang ako, hanggang ngayon di ko alam ang dahilan maging si Tiyo ay di niya alam.

Ganun talaga siguro sa mundo, may mga bagay na pwedeng basta basta nalang iwanan.

Pero wala na ko magagawa, ito talaga siguro ang kapalaran ko. Laking pasalamat ko parin sa Tiyo dahil kinupkop niya ako. Ok na din yan kaysa wala. Hehe

I'm Taking Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon