Tres

9 6 0
                                    

catalina

Naalimpungatan ako at umupo ng maayos dahil mukha nakong tanga. May lalaki sa tabi base sa aking obserbasyon maputi , matangos ilong , mapupungay ang mga mata niya at nasa 20s na ata siya. Tinitigan ko lang siya wala eh gusto ko lang.

" Staring is rude " gulat ako ng magsalita siya bigla luminga linga pa ko para siguraduhin may tao pero wala. Nung pagbalik ko nung tingin sa kanya wala na siya at nasa likuran ko na siya.

" Hoy " tawag ko sa kanya dahil kami lang magkasama.

" Nakikita mo ba ko " Wala eh parang hangin lang ako rito at siya naman mabilis maglakad porket mahaba biyas niya mangiiwan na agad.

" Baka naman pwede ka bang huminto " sigaw ko sa kanya at literal na huminto siya di siya gumagalaw lakas ng tama adik lang liningon niya ko at tinignan na follow me look kaya ayon nandito na kami sa isang sakayan pero di nila ako nakikita at di din nagsasalita itong katabi dahil alam ko ding baka sabihan siya na baliw.

Pagkababa namin ay nasa isang parang museo kami na kulay puti ang mga dingding malinis na malinis ito at iba pa ang loob parang spanish era pa habang naglalakad may napansin ako mga bungo na nakatayo at may mga hawak na scythe ngunit maliit lamang iyon kumpara sa akin na tila sobrang laki pero nakakayanan kong buhatin.

" Are you going to stare at those skulls o susundan mo ko " biglang sabi niya

Sinundan ko lang siya pumasok kami sa isang kwarto na simple ang desenyo lumapit siya sa isang bookself at may pinindot mula doon bigla naman itong gumalaw at may lagusan papunta sa loob nauna siyang pumasok at sunundan ko nalang siya. Manghang mangha ako dahil isa itong malaking library na punong- puno syempre ng libro kung sa labas nito ay malaki mas doble pa ito.

Humila siya ng isang upuan at humigop muna ng kape.

" Anong ginawa mo rito " saad niya " No, erase that, Bakit ka andito? " saad niyang muli

" Pantanga yang tanong mo syempre narito ako para sunduin ng mga kaluluwa ng mga taong mamamatay na " sabi ko at umayos ng upo

" P-paano ako makakauwi sa aking mundo " tanong kong muli

" Why would I help a reaper shrouded in a dark,hooded robe and carrying a scythe to "reap" human souls " saad niya.

Wala akong masabi sa kaniya kasi english yun eh joke.

" Pwede ko bang maitanong p-paano mo ako nakikita? " singit ko

" I don't know " saad niya sabay higop sa kaniyang mainit na kape

Tumayo at kumuha ng isang libro at hinipan ito dahil sa luma na ito napamugaran na ito ng mga alikabok

" Tutulugan kita pero di pa ngayon dahil alam kong marami ka pang gagawin " saad niya sabay tingin sa akin

Dahil sa inis ko dahil di na ko makakauwi at ayaw nitong mokong na ito sabihin itinapat ko ang aking scythe sa kanya ngunit hinila niya ng sobrang lakas ang kamay ko kaya natanggal ang aking kapa sa baba. Nagulat siya nagtataka ko siyang tinignan

" B-babae ka " nangingining ang kaniyang boses

" Bakit ano sa tingin mo ako ? " inirapan ko nalang siya at sabay dampot sa aking kapa na natanggal di porket boses mandirigma ako lalaki na ko

" Akala ko ang mga katulad mo ay walang kasarian at isang skeletal figure lamang " saad niyang muli

" Saan mo naman nakuha yan ah? That's almost a decade kaya pala gulat na gulat ka " natatawang iniling ko ng bahagya ang aking ulo.

Nagusap pa kami at di na kaya ng utak ko lahat ng nangyayari kaya sinabi ko na kailangan ko na magpahinga dahil pagod na ako. Itinuro niya ang magiging kwarto ko ngayon dahil pansamantalang nasa mundo ako ng mga tao.

Nagising na lamang ako sa tunog na gawa ng aking orasan hudyat na may muli nanaman akong gagawin. Napagdesisyonan ko na isama itong lalaki na ngayon gabi. At hindi namin kasalanan na kitilin nila ang kanilang buhay.

꒷꒦꒷. madebymajesty |
Stay tuned for the next update.
Thank you for reading.

Livre de la vie | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon