Nueve

3 2 0
                                    

catalina

Pagtapak ko palang sa lupa ng aking mundo kitang kita ko ang pagbabago na nangyari puro usok sirang mga straktura wala akong mahagilap na mga tao.

Una kong pinuntahan ang lugar kung nasaan ako nakatira para magpalit pagtapos ay kumuha ako ng mga gamit isiniksik ko yun sa bulsa ng aking kapa.

Hinanap ko na rin ang kaibigan kong si Luisito pinuntahan ko siya sa opisina niya pero tanging papeles lamang ang natira doon.

Nagtanong tanong ako sa mga taong malapit sa lugar niya ang sabi nila nakita nalamang nila itong nagtatakbo parang madaling

"Hinahanap mo ba ang kaibigan mo" narinig kong sinabi ng lalaking nasa taas ng puno.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" Pagusisa ko sakanya

Tumalon siya para bumaba bago sagutin ang tanong ko.

" Ako si Damian at oo naman sasamahan kita pero kailangan mayroon din akong kapa at yang hawak mo" sabi niya agad sakin at tinutukoy niya ay ang hawak kong scythe

"Sige basta bilisan natin" pumayag na din naman na ako dahil wala nang ibang paraan pa.

Dahil madaming alam na wala ako rito kailangan namin magingat dahil di ko alam kung may mangyayari sakin rito. Kakatakbo namin alam ko na kung saan kami papunta dahil iisang daan lamang itong tinatahak namin papuntang kulungan nagtataka ako paano mapupunta rito ang kaibigan ko.

Dito kami dumaan sa likurang bahagi dito di kami agad mapapansin.

"Bilis akyat" singit ni damian nauuna siyang umakyat dahil sabi niya magaan naman ako.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at nakapasok agad ako.

Isang malawak ng daan at madilim tanging mga ilaw sa lampara na nakuha ko sa gilid kanina. Dahan kaming naglakad dahil baka may makarining samin.

"Luisito"

"Luisito"

"Luisito"

Mahinang tawag ko nakikita ko ang iba pang mga preso at nakarinig ako ng kalasing sa pinakadulong kwarto agad akong tumakbo para tignan ngunit yung pintuan gawang bakal kaya di namin magawang mabuksan pero salamat dahil mayroong dalang gamit na master key si damian agad niyang sinubukang buksan.

Click.

Nang mabuksan niyakap agad ni Luisito halatang walang tulog at may sugat ito pero papagaling na.

" Sabi ko na nga ba makakabalik ka " sabi niya pero may lungkot sa mga mata niya

"Bakit mo ginawa yun" agad kong tanong

" Pasensya niya ginawa ko yun para sayo" sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Anong gagawin natin para maibalik yung mga tao?" ani ko

"Hindi ko alam at tsaka kilala kita ah" sabi niya sabay tingin sa kasama ko

"Ah hello kuya" masaya niyang bati

" Magkakilala at tsaka kuya" gulat kong tanong

"Siya pala yung batang tinulugan ko magaling magbukas ng pintuan yan" sabi niya habang tumatawa

"Key master tawag sakin at hindi taga bukas ng pintuan lang" mayabang niyang sagot

Mabilis na kaming umalis para di na kami maabutan pa ng mga guwardyang nagbabanatay rito. Sa mga oras na yun naguusap kami kung paano masosolusyonan ang sitwasyon namin ngayon.

Papunta kami ngayon sa bahay ng isang matandang sinasabi ni Luisito.

Pagdating namin ay agad na kumatok ito sa pintuan lumang bahay ito. Binuksan niya ang maliit na silipan upang makita kami bago niya tuluyang buksan ang pintuan.

"Alam ko kung bakit kayo naparito at di ko kayo matutulungan" sabi niya agad at kumuha ng tubig  bago kami makaupo.

" Yun nalamang po ang magagawa niyo para sa amin at nang matigil na ang nangyayari ngayon" napatayong sagot ni Luisito

"Ikaw ang dahilan nito diba" ani ng matanda kay Luisito kaya napatahimik ang kaibigan ko

"Paano po ba natin mababalik sa dati ang lahat?" Tanong ko nang mapatingin siya sakin

"May isang libro sa lugar na tinatawag nilang Parrhesia iyon lamang ang tangi kong masasabi sa inyo" sabi nito sabay punta sa pintuaan na naghahayag na umalis na kami.

"Huwag niyong kalilimutang magingat sa mga tuksong madaraanan niyo" huling sabi niya bago kami tuluyang makaalis.

꒷꒦꒷. madebymajesty |
next update.

Livre de la vie | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon