Ang laban ng Queens ay nagsisimula na. Ang laban na ito ay ginanap sa Spain, dahil dito ang kanilang Main Place o ang lugar ng mga tao'ng ipinapadala rito upang mag sanay.Ngunit sa linggo'ng ito ay walang pagsasanay ng mga bagong Elites. Ang lugar ay okupado ng dalawang Queen na ngayon ay naglalaban para sa titulo ng Master Princess.
Ang mga tao'ng nanonood lamang ay ang Kings, ilan sa mga Master Elites at syempre ang THE MASTERS. Ang The Masters, ay mas mataas sa Queen at King. Sila ang talagang namumuno sa organisasyong MASTERS.
Sila ang magdedesisyon sa parusa'ng ibibigay sa kung sinong lalabag. Sila ang nagawa ng batas. At dahil ngayon ay hihirangin kung kanino mapupunta ang titulong Princess. Simula ngayon ay Queen and King na ang gagawa ng batas at ang pamumunuan nila ay ang mga Master Princess/Prince, Master Miss, Master Maids, Master Elites.
Tumagal ng dalawang oras ang laban ng dalawang Queen. Sa huli ay nagtagumpay si Queen Ophelia. Mamayang gabi sa hapunan ay idedeklara niya ang desisyon niya na kung ang anak niya ba ang magiging Princess.
Natapos ang laban at ginamot na si Queen Penelope.
After 10 months.
Manganganak na sa pangalawang anak ni Queen Ophelia ang pangalan ay Kate Azalea Mariano. Masaya ang mag-asawa na sa wakas ay babae na ang anak nila at ito na nga ang MASTER PRINCESS.
Matapos sa laban na iyon ay pinili ni Queen Ophelia na, Princess ang anak nila dahil may tatlong taon'g anak na lalaki na sila. Kapag binigay nila ang Princess kila Queen Penelope ay otomatikong ang unang anak na lalaki na nila ang Master Prince na si, Ken Azrael Mariano.
Natatakot sila sa kahihinatnan ni Ken dahil may sakit ito sa puso. Bibo'ng bata si Ken kaya ayaw nila ito bigyan ng mataas na posisyon pagdating ng araw dahil sa kalusugan nito. Gayunman ay may tiwala parin sila sa anak na babae na kakayanin ang hirap na mararanasan.
Pitong taon'g gulang ng magsimulang magsanay si Ken sa Spain. Doon na rin siya pinag-aaral ngunit hindi sa eskwelahan. May sarili'ng nagtuturo na lamang sa kanya. Nang edad niyang iyon ay apat na taon na ang kapatid niya na si Kate na nasa pilipinas. Hindi siya maaring sumama doon at sa legal na edad pa nya malalaman.
Dahil doon ay hindi gaanong close ang magpipinsan sa kanya. Ang ilang pinsan nila ay kasama sa Spain para mag ensayo dahil sila ay mga Master Elites.
Naging mailap ang mga magpipinsan kay Kate dahil sa hindi ito madalas makasama.
Ang mga magulang nila ay walang pinagsisihan sa buhay nito sapagkat nasa dugo na nila iyon at marahil ay magagamit rin iyon hanggang sa pagtanda katulad nila.
<<<
Nang mag pitong taon na rin si Kate ay dapat na siyang magsanay, iyon ang sabi ng sampung taon ng kapatid niya. Ayon sa magulang, bagama't bata ay dahan-dahan ipinapaunawa sa anak ang kanilang sitwasyon.
Si Kate naman ay nanatili sa pilipinas ng walang alam tungkol sa organisasyon.
Tuwing uuwi ng pilipinas ay nagbabonding ang magpipinsan, hindi lang gaanong hindi nakakasama si Kate sa usapan dahil hindi naman siya nakakasama sa Spain.
Minsan pang tinanong ng mga pinsan kung sino o ampon ba si Kate dahil hindi siya nakakasama sa kanila.
Bagaman bata pa si Kate noon ay ramdam niya ang sakit ng pangungulila na magkaroon ng kausap at kalaro.
Kinailangang maging matigas ng mga taong nakapaligid sakanya para matuto siyang tumayo sa sarili niya kapag inapi, at matutong lumaban. Dahil iyon ang karapat dapat na katangian ng isang Master Princess.
"HAPPY BIRTHDAY KATE!" masayang bati ng mga pinsan at kuya niya ng mag tatlumpung taon na siya.
Hindi alam ni Kate kung makakaramdam ba siya ng tuwa sa mga iyon marahil ay sa birthday at ibang okasyon lang sila masasaya.
Sa mga ganitong kaarawan ay hindi siya nakakalimutan ng mga pinsan niya. At dahil nagiging ate at kuya na ang mga pinsan at kuya niya mas lumalawak na ang pang unawa nito hindi katulad noon na inaaway away siya.
Teen na si Kate at nagkakaroon na siya ng isip. Kinakausap na siya ng mga pinsan niya, mga lalaki lamang at si ate cindy.
Maganda si Kate, matangkad, payat at may kurba ang katawan. Hindi siya gaanong maputi, mahaba ang kanyang buhok at kulot ang dulo na laging nakatali ng mataas. Maganda ang mga kilay, brown almond ang mga mata at hindi rin gaamong matangos ang ilong.
Kung titignan ay bagay sa kanya ang titulo'ng Master Princess. Maganda siya pag seryoso siya. Well, lagi siyang seryoso at makikitang hindi palangiti.
Sa kagandahan niya ay naiinggit ang mga pinsan niya'ng babae dahil naagaw ng atensyon ng mga lalaki.
Si Kate ay walang kaibigan. Pinili niya'ng wag magkaroon ng kaibigan dahil ayaw nya ng problema. Nadala na siya sa ugaling ipinakikita ng mga tao sa bahay nila. Ayon sa kanya, kung ang mga sariling kadugo ay hindi mapakitaan ng maayos na ugali ay pano pa ang hindi.
Maluwag sa buhay si Kate hindi siya pinagbabawalan sa kung anong gusto niya'ng gawin. Nga lang ay minsan pinagbabawalan siya ng mga lalaking pinsan sa pinaggagawa.
Labinlimang taong gulang ng matuto siyang uminom. Pabigat ng pabigat ang kanyang problema. Iwas ang mga tao sa kanya. Ginawa niya ang lahat para mapaamo ang tao sa paligid.
Pinagpuyatan niyang magreview para manalo sa quiz bee. Araw araw siyang nag exercise para makagalaw ng maayos para sa pagsasayaw, sumali siya na dancetroupe. Umiinom siya ng tubig na may lemon at nagpapa voice lesson para sa choir na sinalihan. Mahigit limang oras ang tulog makapgreview lamang at makakuha ng mataas na scores.
Pero kahit ganoon wala pa rin siyang nakuhang magandang pakikitungo galing sa pamilya. Hanggang sa makilala niya si Kian Sanchez. Nakahanap siya ng kausap sa kanya.
Nakilala niya si Kian sa Acoustic Bar sa Wait n' Sea Beach Resort. Minor pa lang sila pero nakakapag bar na sila. Isa kasi sila sa may ari nung resort na yon.
Lagi silang magkasama, magkausap, sabay nagdidinner, sabay nag study. Hindi alam ng kuya niya iyon dahil hindi nga naman siya pinapakialaman non lalo na't fifteen lang siya at ang kuya nya noon ay college na.
Sa ganoong pinagdaanan ay nakakaramdam siya ng takot sa sarili kung anong nagawa niya at ganon na lamang ang galit o ano man nito sa kanila. Nagpatuloy ang buhay niya ng may kulang sa puso..
>>>>
YOU ARE READING
The Masters
ActionThis is the background story of high rank people. Ang mga tao'ng obligadong lumaban kung kinakailangan. Ito ang estado ng buhay ng mga ranggo. This is a back story of the story: THE MASTERS LOVE