Garcia

15 0 0
                                    


Masaya ang pamilya Garcia ng malaman na Prince ang magiging anak nila. Magkaroon ng tagapagtanggol na anak. Iyan ang pangarap nila.

Ang pamilya nila ay hindi mahigpit. Nang dumating ang Master Prince na si Chase Liam Garcia, labis na tuwa ang nadama nila sapagkat nabuhay na ang kanilang prinsipe at unang anak. Isang buwan ang tanda nito sa Princess.

Ngunit matagal tagal na panahon pa bago mahirang na siya'y Master Prince, pinakitunguan nila ito ng maganda hindi katulad kay Master Princess.

Tuwang tuwa ang magasawa'ng ibinalita iyon sa mga Mariano na may Master Prince na, aniya'y sabay daw pabinyagan iyon.

Mukang masungit daw ang bata'ng ito. Hindi umiiyak pero hindi namamansin kapag dapat paiyakin. Sa madali'ng salita ang hula nila ay snob daw siya.

Makalipas lamang ang isang taon ay nagkaanak na babae naman ang Queen at King. Si Fannie Lianne Garcia, hindi katulad ng kuya niya na snob daw ang bunso namang ito ay masiyahin dahil panay ang tawa at ngiti kahit baby pa.

Ang dalawa'ng kapatid ng Queen ay masaya sa narinig na balita na nanganak ulit ito at babae na. Aniya naman ay sabay sabay na papuntahin sa Spain pagsapit ng ikapitong taon.

Ganoon nga ang nangyari, ang tatlong babae'ng pinsan at dalawang lalaki at si Fannie ay nagsama sama sa Spain at nagsanay.

Pitong taon si Fannie ng ipadala na sila sa Spain, aniya ng Queen ay napakswerte niya sa anak at sa mga pamangkin. Unti-unting pinaliwanag ng Queen kung ano ang gagawin doon. Imbis na matakot ay tuwang tuwa ang mga bata na parang pupunta lamang ng playground at doon makikipag-away.

Si Chase naman ay naiwan sa pilipinas kasama ang mga katulong lamang sa bahay. Ang Queen at King ay nasa Spain din sapagkat isa din sila sa magtuturo lalo na at nandoon ang isang anak.

Walong taon na si Chase noon ng mawalay sa pamilya. Minsan naman ay nauwi pag may okasyon. Hindi naging malungkot si Chase, naging palakaibigan siya sila Eion at Allen.

Ang buhay ni Chase ay parang naging malaya dahil wala ang kanyang magulang. Ang alam niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa ang magulang at ang kapatid ay nag-aaral.

Mula pitong taon hanggang labing tatlong taon magsasanay ang mga Elites doon at babalik na lamang ng high school na.

Pero hindi naging mahirap ang mawalay iyon kay Chase, lagi siyang kinokontak at ipinaparamdam ang pagmamahal ng pamilya sa kanya.

Namasyal siya sa beach resort na malapit sa kanila at kumain doon ng may nakita siyang babae na nasa Romantic Restaurant kumakain, walong taon lamang si Chase noon pero tumibok na agad ang puso niya.

Lagi niya nang inaabangan ang babae doon. Minsa'y nakikita niya itong umiiyak at biglang tatawa. Hindi alam ni Chase kung maaawa o matatakot siya.

May ilang araw din na nakita niya ito na may kasama'ng lalaki. Masaya siya dahil mula noon ay hindi niya na ulit nakitang umiyak ito. Masakit din naman dahil hindi man lang siya nakapagpakilala dahil gustong gusto niya ang babae'ng iyon.

Normal ang naging buhay ni Chase kumpara kay Kate. Alam niyang naging mabuti siyang anak sa mga nagdaang taon.

Ang Queen naman ay labis na kinakabahan kapag dumating ang araw na malaman niya na kung sino talaga siya. Hindi mapanatag ang Queen sa mangyayari, dahil napakaraming prosible'ng mangyari. Naisip niya na baka takbuhan ni Chase ang obligasyon at lumayo na lamang.

Pagkatapos ng mga araw na makita niyang may kasamang lalaki ang dalaga ay hindi na niya ulit sinundan sundan ito.

Naging abala siya sa pag-aaral at minsan naman ay abala sa pagbabonding nilang magpipinsan.

Masaya siya dahil nakauwi na ang mga pinsan niya na hindi niya alam kung saan talaga tunay na nanggaling.

Minsan na rin niya'ng pinagkaabalahan ang isang babae'ng nakilala niya din sa school nila pero wala parin daw iyong panama kay Kate.

Matangkad at payat si Chase na parang basketball player, maputi siya at kitang kita ang adam's apple niya. Ang kilay niya ay makapal at brown ang mata. Medyo matangos ang ilong niya at ang labi naman ay mapula. Sa unang tingin ay mukha siya mayabang.

Labintatlong taon ng dumating sa school ni Chase, si Fannie. Hindi sila gaanong close pero pag lumalapit si Fannie kay Chase ay maraming nagagalit sakanya dahil matinik nga sa babae itong si Chase na panay naman ang pasikat sa mga babae.

Si Fannie naman ay nagmimistulang aso'ng ulol katataboy sa mga babae dahil ayaw niya ng maraming nakapaligid sa kanila kapag magkasama sa ng kuya niya lalo na pag kumakain sa Canteen.

>>>>

The MastersWhere stories live. Discover now