Chapter 13 - Complicated

39 4 0
                                    

Cheska Pov

"Bilisan mo ngang mag impake baka mahuli pa tayo sa ka bagalan mo eh"Lucas

"Oo na po. Madali ka ng madali ang aga pa lang naman"Me

Bulong ko sa huling sentence na sinabi, bwisit naman kase eh, napaka ano nito masyado siyang o.a anong oras palang ganto na umakto parang mauubusan ng upuan sa service namin

Nanahimik naman kami ng ilang minuto ngunit pinutol niya rin ito ng may itanong siya saakin

"Babe, are you sure with that corny call sign"Lucas

Huh? Akala niya naman talagang pinag isipan ko yun para mag mukha kaming sweet may meaning kaya yun

"Siguro inisip mo feeling ko sweet yun no, well mali ka kase ang ibig sabihin ng babe ay baboy, hahahaha ibig sabihin tinatawag kitang baboy sa harap nila hahahaha"Me

"Pig, Cheska between me and you, you look more like a pig more than I, ang taba mo kaya"Lucas

"Anong mataba..... Ehem. Ehem....... 45 lang po ang weight ko, timbang ng mga seksi"Me

Sabay tingin ko pa sakaniya na mukha namang nandidiri, masama ba yung sinabi ko eh totoo naman na seksi ako

"Muntik na akong masuka dun ah, well Ms. Corden alam niyo bang hindi kapanipaniwala ang weight mo kase, kung pag babasehan ang katawan mo nag mumuka kang 89 kilo"Lucas

"Anong ang sama mo ah hindi mo—"Me

Napatigil naman ako ng pag sasalita ng bigla niya akong hinila palabas

At alam niyo kung anong hawak niya

Yung backpack ko so in short kinaladkad niya ako palabas napaka gentleman diba idol na idol

"Ano ba bitiwan mo nga yang bag ko! "me

"May tao pala akala ko bag na nag lalakad lang, ang liit mo kase eh, but don't worry sinobra ka naman sa timbang kaso kinulang ka sa laki"Lucas

"Abat"me

"Quite andyan na sila Bryle at si Aron"Lucas

"Gaganti ako! "Me

"What? May sinabi ka ba?"lucas

Buti na lang at hindi mo narinig hahaha mag sisisi ka sa mga sinabi mo saakin sa gagawin kong kalokohan sayo

"Babe ang kulit mo ito na nga"Me

Sabay abot ko sakaniya ng bag ko mukha naman siyang nag tataka at nagagalit saakin hahahaha sorry Mr. Holmes pero hindi niyo po ako masisigawan ngayon hahahaha

"Anong ginagawa mo?! "Lucas

Pinanlakihan niya pa ako ng mata habang binubulong niya ang tanong na iyon

"Hahahaha, ganti lang yan"

Bulong ko sakaniya ng ibaba niya sana ang bag ko eh bigla kong tinawag si Kuya tignan natin kung makalusot ka pa Lucas

"Hi kuya"Me

Kaya naman padabog niyang binuhat ang bag ko

"Oh bakit nandito pa kayo? Cheska pumasok ka na sa service baka mamaya mahimatay ka pa dito sa sobrang init"Kuya Aron

Bago ko sagutin si Kuya Aron ay tinignan ko muna si Lucas na pinipilit ang sariling ngumiti habang hawak ang bag ko, kinindatan ko pa siya para mas mainis siya hahahaha

"Wala kuya, si Lucas kase gustong dalhin yung bag ko nagtalo pa kami, at gusto ko na ako na lang mag bitbit pero dahil makulit siya, ayan siya na yung may buhat ng bag ko"Me

50% off [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon