“Hoy bobo ka ba? Hindi mo ba nakikita yung dinadaanan mo?” Sigaw ko doon sa babaeng nakabangga sa akin.“Sorry po Queen Jai hindi ko po sinasadya.” Pag hingi ng tawag nun babae.
“Anong hindi sinasadya!? Sadyang bobo ka lang talaga!” Hinawakan ko ang kwelyo ng uniform niya tsaka nilapit sa akin.
“Patawarin niyo na po ak-” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nya dahil may nakakita samin na teacher.
“Students! Anong ginagawa niyo? Hindi ba may klase kayo ngayon?” Sigaw nang teacher samin.
“Jai may teacher na tumakbo na tayo!” Sabi ni Nel na kinakabahan pa. Tsk.
“Hindi pa tayo tapos.” Sabi ko don sa babaeng nakabangga sa akin tsaka ko siya binitawan at tumakbo na paalis doon kasama sila Ely at Nel.
Kilala ako bilang isa sa pinakamayabang, mataray, siga dito sa school namin kaya walang kayang lumaban or pumapalag sa akin dito. Ako na ata ang may pinakamahabang listahan sa guidance sa sobrang daming nagrereklamo pati na din ang mga magulang nila. Yung mga estudyante din ang nagbansag sa akin ng “Queen Jai”.
“Tsk sino ba yung bwiset na teacher na ‘yon? Hindi ko tuloy nagantihan yung babae na nakabangga sa akin.” Inis kong tanong kay Ely at Nel.
“Si Mam Denise iyon. Hindi mo ba kilala iyon?” Tanong ni Jai.
“Hindi, tsaka wala akong balak na makilala siya.”
“Hay nako, Jai for sure mapapatawag ka na naman sa guidance niyan.”
“E di ipatawag nila tsaka hindi naman kayo madadamay.” Inis kong sagot kay Nel kahit kailan never ko naman silang dinamay sa kalokohan ko no.
“Saan na tayo ngayon niyan?” Tanong ni Ely.
“Hindi pa ba tayo papasok?” Tanong din ni Nel.
“Alam mo Nel kung natatakot ka pwede mo na kaming iwan.” Sagot ko kay Nel dahil mukhang natataranta nanaman siya.
“Hindi ka pa nasasanay kay Jai.” Cold na sabi ni Ely kau Nel.
Ganyan talaga ‘yan si Nel siya ang pinaka-anghel sa aming tatlo. Si Ely naman half half, half devil, half angel. Syempre ako pure devil kaya nga madaming natatakot sa akin e.
“Anong oras na ba?” Tanong ko kasi nag cutting kami kanina hanggang ngayon. Siguro mga tatlong subject na yung hindi namin pinasukan. Bale may isa pa ata or dalawa? Di ako sure. Bahala na.
“10:30 na, ang boring na dito Jai tara pasok nalang tayo.” Yaya ni Ely. Mukhang no choice ako tama nga naman siya wala na kaming mapuntahan.
Naglalakad na kami papuntang room para pumasok kahit ayaw ko talaga. Pinagbigyan ko lang tong dalawa na to, atat na atat mag-aral e.
“Ow good morning Power Puff Girls.” Bati ng teacher sa harap. Kaya nag-tawanan ang mga classmate namin.
“Sige tumawa kayo sasalpakan ko ng basura ‘yang mga bunganga niyo.” Pagsusungit ko sa kanila kaya tumahimik silang lahat.
“Ohh scary ah.” Side comment ng teacher. Pasalamat siya teacher siya kung hindi nasampal ko na.
Naupo na kaming tatlo sa mga sari-sarili naming upuan at nakinig na lang doon sa teacher na nag didiscuss. Kahit naman makinig ako dito mag-hapon wala pa din akong maiintindihan ano pa bang silbi. Tsk.
…
After how many many years natapos na din yung klase at pinauwi na din kami.“Excuse me po. Pinapatawag po sa guidance si Jairah Del Luna.” Sabi nung studyante sa labas. Kung kailan naman pauwi tsaka nila ako tatawagin nakakainis sila.

YOU ARE READING
INOPINATUM
Mystery / ThrillerIsa syang matapang at hambog na babae. Walang kayang kumalaban sa kanya dahil halos lahat ay takot sa kanya. Sa dami ng kalokohan nya ipinadala sya ng magulang nya sa probinsya para baguhin ang sarili. Doon nya makikilala ang taong magpapabago ng ug...