"What happened?" I ask nung maalimpungatan ako. "Nasaan ako?"
Hindi ito ang kwarto ko."Dito tayo sa bahay ni Avia. Are you okay?" Tanong ni kuya na nasa gilid ko habang hawak-hawak ang kamay ko.
"What happened?" I asked.
"Pinuntahan kita sa kwarto mo pero pagdating ko sobrang namumutla ka na then nung hinawakan kita sobrang lamig mo kaya nag panic ako. I checked your pulse and It's normal. Tinawag ko si Avia tapos sabi niya dalhin daw kita rito. After that pinalabas niya ako and after ilang minutes lumabas na siya, sabi niya okay ka na raw." Mahabang paliwanag ni kuya. Halatang-halata sa kaniya ang pag-aalala nya.
Naalala ko din bigla 'yong nangyari sa akin kanina. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa kung bakit ako nagkaganoon?
"What time is it?" Tanong ko dahil ng mapagtanto ko yung kwento ni kuya.
"It's already 7:30 pm." Saad na nya.
"What?! 7:30?" What? Gabi na? The heck, ano ba nangyari sa'kin.
"Yes, sobrang haba ng tulog mo kaya binantayan kita rito." Halata ang pagod sa mukha nya, so sweet na kuya. No wonder na ang swerte ng magugustuhan nya.
Umupo ako sa kama para maayos na makausap si kuya.
"Are you okay? Ano na ang nararamdaman mo?" Alalang tanong niya habang sinusuri ang buong katawan ko gamit ang mga mata nyang nag-aalala.
"Im tired." Maikling sagot ko at nagpakawala ng buntong hininga. Hindi ko alam pero napapagod ako.
"Saan ka ba nanggaling kanina?" Tanong nya.
"Hindi ko ko alam, hindi ko matandaan kuya." Saan nga ba ako nanggaling? At ano ang nangyari?
"I already checked on you and everything is normal." Ang cute ni kuya, ngayon ko lang sya nakitang ganito na sobra kung mag-alala.
"Don't worry okay na ako kuya." Nginitian ko sya para kahit papano ay mabawasan yung pag-aalala na nararamdaman nya. Tumango lang siya sa akin pero hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Kuya nagugutom na ako." Saad ko sa kanya na parang bata.
"Malamang magugutom ka talaga kaninang umaga kapa walang kain bunsoy." Sagot nito na parang naiinis. Nako kung hindi ko lang 'to kuya nagkagusto na ako rito, but no! He's my fucking brother duh!
"Here." Inabot niya sa akin ang pinggan na may lamang pagkain. "Gusto mo bang ako na mag subo sa iyo?" He ask at halata talaga sa kanya yung pag-aalala
"Nope, kaya ko na 'to. Kumain kana ba?" Balik kong tanong sa kanya.
"Actually hindi pa rin, sobra kasi akong nag-aalala sayo kanina kaya wala akong ganang kumain." Walang emosyong sagot nya.
"Ahh ang sweet naman ng kuya ko! Yiee!" Pabiro kong komento sa kanya.
"Hindi ako sweet, lagot kaya ako kay mama pag may nangyaring masama sa iyo." Nagngunngusong saad, and yeah yari talaga sya kay mama. Kaya nga kami nandito e, para alagaan nya ako.
"Kumuha ka na ng pagkain mo doon. Tsupi!" Pagtataboy ko at mahinang itinutulak sya dahilan para mapilitan syang tumayo.
"Okay, wait lang baba lang ako." Paalam niya, tumango na lang ako sa kaniya.
Mga ilang minuto lang din ay bumalik na siya.
"Nasaan si Avia?" Tanong ko ng makaupo na sya sa tabi ko.
"Nag-papahinga na siya." Maikling sagot niya at sinimulan ng kainin ang nasa pinggang nya.
Tahimik lang kaming kumakain at walang umiik sa'min hanggang sa natapos kami.

YOU ARE READING
INOPINATUM
Misterio / SuspensoIsa syang matapang at hambog na babae. Walang kayang kumalaban sa kanya dahil halos lahat ay takot sa kanya. Sa dami ng kalokohan nya ipinadala sya ng magulang nya sa probinsya para baguhin ang sarili. Doon nya makikilala ang taong magpapabago ng ug...