CAPITULUM 4

19 9 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sabi ni kuya ngayon daw kami pupunta sa bayan, syempre excited ako kaya inagahan ko talaga ng gising. Nag-asikaso na ako at naligo na din ako para fresh pag labas.

"Kuya?" Tawag ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto niya.

"Kuya! Gumising ka na aalis tayo di ba?" Wala pa ring sumasagot siguro tulog pa ito. Nagyayaya siya tapos hindi siya magigising ng maaga? 

"Ayaw mong magising ah!" Bulong ko sa sarili ko.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pintuan niya para hindi siya magising. Buti na lang at hindi naka-lock kaya nabuksan ko agad. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita ko siya na nakatagilid at mukhang tulog na tulog talaga.

Anong oras kaya ito natulog kagabi?

Lumapit ako sa kaniya at tinapat ko ‘yong bunganga ko sa tainga niya.

"KUYAAAAAAAA!" Sigaw ko sa kaniya kaya napatayo siya agad. Natatawa naman ako sa kaniyang reaksyon.

"What the- Jairaaaaah!" Sigaw niya sa akin kaya lumayo na ako sa kaniya at tumayo sa may pintuan.

"Good morning kuya!" Natatawang bati ko sa kaniya. 

"Walang maganda sa umaga Jai!" Inis na sabi niya.

"Are you awake?"

"Sinong hindi magigising sa ginawa mo?!" Irita niyang sabi sa akin.

"Aalis tayo diba? Kumilos kana nga!"

“Kuya! Sabi mo aalis tayo? Ang aga ko pa naman nagising tapos di pala tayo aalis." Reklamo ko sa kaniya.

"Sabi ko mag pakabait ka sakin e"

"Ihh sorry na! Ang tagal mo kasing nagising e.”

"Bahala ka diyan.” Parang bata talaga ‘to at naka-pout pa.

Lumapit ako sa kaniya para pilitin siya.

"Kuya pleaseee! Susumbong kita kay mama."

Di nya ako pinansin bumalik lang siya sa pagkakahiga niya.

"Kuyaaa dali naaa!" 

"Ah! Ayaw mong tumayo diyan ha?"

Binagsak ko ‘yong katawan ko sa kaniya kaya naipit siya.

"Jai umalis ka nga diyan!"

"Alis na kasi tayo!" Pagpupumilit kong sabi. Paano kasi pinapaasa niya lang ako kanina ko pa siya kinukulit e.

"Jai ang bigat mo!"

Umalis na ko sa pagkakahiga ko sa kaniya at nag kunwaring nagtatampo.

"Pasabi-sabi ka tapos hindi mo naman pala itutuloy." Sabi ko sa kaniya kunwari, pero deep inside natatawa na talaga ako .

"Sige na nga!" Sabi niya ng naka-pout pa. Sabi na ih marupok din ‘to.

"Talaga?! Yeeeeey!" Lumapit ulit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Sige na mag aasikaso na ako."

"Bye kuya! Maligo ka na ang baho mo na.” 

"Jairaaaah!"

Tumakbo na ako palabas ng kwarto dahil baka mag bago pa ang isip nito. Nag-punta muna ako sa sala para doon siya antayin.

Ay naalala ko pala tatawagan ko sila Ely at Nel. Nag punta muna ako doon sa kwarto ko para kuhain ‘yong cellphone ko. Bumalik din ako sa sala para sakaling may signal doon.

"Kuyaaaaaaa!" Sigaw ko sa kaniya. 

“Saglit lang, pababa na ako!”

Bakit ba walang signal dito? Kahit kaunti wala pa din. Ano bang klaseng lugar ‘to?

INOPINATUMWhere stories live. Discover now