CAPITULUM 3

21 12 0
                                    

Good morning ma, where's kuya?” Tanong ko kay mama pagkababa ko galing sa kwarto ko.

“Pumasok na siya pero uuwi din mamaya. Why?”

“Uuwi din?” Balik kong tanong kay mama.

“Yeah nag file siya ng leave for two months.”

“What?! for what?” Ano namang meron at magleleave ‘yon ng two months? Nababaliw na ba sya?

“Hindi ba niya sinabi sa iyo?”

“Nope.”

“Sasamahan ka niya papuntang probinsya.”

“Kami? Pupuntang probinsya? No!” Mariin kong tanggi.

“You know what darling you need to calm your mind, sobrang daming nangyayari sayo. Gusto namin ng kuya mo na sa province mo i-spend ang two months vacation mo. We want you to find yourself. Kaya ka nagkakaganyan dahil naguguluhan ka lang. Sobra kaming nag-aalala sayo ng kuya mo.” Mahabang paliwanag ni mama.

“Pero ma can't you see? I’m okay very okay.”

Lumapit si mama sa akin at niyakap ako.

“I know someday everything will be alright honey.”

***

“Bunsoooooy!” Tawag ni kuya na galing sa labas ng kwarto ko kanina pa niya ko kinukulit na lumabas ng kwarto ko.

“Pwede ba kuyaaa!? Umalis ka na nga ang ingay mo!”

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap.”

“Ayoko ngang sumama sayo. Kung gusto mo pumunta doon mag-isa ka!” Pagkasabi ko non ay tumahimik na sa labas ng kwarto kaya nagtalukbong na ako sa kumot ko.

Bakit ba kasi kailangan pa sa probinsya kung saan pa yung pinaka ayaw kong lugar doon pa ko dadalhin? Tsk.

“Booom!” Napatayo ako bigla nung narinig kong bumukas ng malakas yung pinto.
“What the- ano bang problema mo!?”

“Ms. Jairah Del Luna sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin.”

Nag-umpisa na siyang pumasok sa kwarto ko at dumiretso sa closet ko.

“Hooooy! Lumayas ka na dito kuya.”

“No! Kung ayaw mong kumilos, ako kukuha ng mga damit mo!”

“Okay bahala ka diyan, sinasayang mo lang pagod mo.” Bumalik ulit ako sa pagkakahiga ko kahit kailan talaga itong si kuya.

“Aaaaahhhh!”

“Tatayo ka o bubuhatin pa kita papuntang banyo?” Hinila niya ang dalawang paa ko.

“Mamaaaa!”

“Hindi ka tutulungan ni mama. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka tumatayo diyan at kumikilos.”
Mukhang wala talaga siyang balak na tigilan ako kaya tumayo na ako.

Kahit ayaw ko talagang sumama doon wala din akong magagawa.

“Lumabas ka na kuya masasapak na talaga kita.”

“Susunod din pala, sige na mag-asikaso ka na dahil kanina pa dapat tayo nakaalis.”

Umalis na siya ng kwarto ko.
Humiga muna ako bago ako kikilos dapat talaga kanina pa ang alis namin kaso nga ayaw ko umalis. Siguro nga makakabuti kung umalis muna ako dito para makapag refresh naman ang utak ko. Naligo na ako at nag-asikaso na din bago bumama, isang maleta lang ang dala ko tama lang para sa dalawang buwan.

“Buti naman bumaba ka na bunsoy akala ko aakyat pa ulit ako e.” Bungad sa akin ni kuya pagkababa ko.

“Heh! Happy?” Tsaka ko siya tinarayan.

INOPINATUMWhere stories live. Discover now