Ni anino ni Wila ay hindi na niya nakita makalipas ang isang linggo.
Isang linggo na walang ibang laman ang isip ni Chaise Casteleon kung hindi ang naturang babae.
Naisip niya na marahil ay tinotoo na nito ang pagpunta sa Tarlac. Mas mainam pa nga nang sa gayon ay hindi na siya nito guluhin pa kagaya ng ginawa nito dati.
"Miss Chaise," Kris, her assistant, called out, breaking her train of thoughts. "Someone's here for you."
Mabilis na naghuramentado ang puso niya.
Could it be...?
Hindi. Kung tama man ang hinala niya, hindi na siya dapat magpaapekto kagaya noon.
Tama na ang ilang taong ginambala ni Wila ang isip niya.
"Who is it?" tanong niya.
"Miss Vallejo."
Oh.
It's Audrey.
Lumalim ang simangot niya. Isa lang naman ang maaaring dahilan ng pagbisita nito.
"Let her in."
Wala pang tatlong buwan mula nang lumisan sa bansa si Wila.
Basag na basag ang loob niya.
Ito ang kauna-unahang taong pinapasok niya sa puso niya.
Nagkamali siya.
Wila did not even have the decency to give her an explanation.
At least, Richard received an apology.
Siguro nga ay wala talagang katotohanan ang akala ni Chaise na ugnayan nila.
Even knowing that, Chaise cannot help but miss the girl.
Most especially, miss the feelings Wila gave her.
She felt joy.
Excitement.
Ecstasy.
Love.
Wila took those along with her, leaving Chaise with nothing but the fragmented pieces of her heart.
Yet through it all, through the brokenness she exhibits, no longer the ice princess everyone feared, Audrey was beside her.
"Eat up, princess."
Inilapag ni Audrey ang plato ng banana pancake sa harap niya. Mula pagkagising ay wala pa siyang kinakain kundi kape.
Hapon na nang dumating ang kaniyang kaibigan. Pinagalitan pa nga siya nito nang magsumbong ang maids na hindi pa siya kumakain.
"Made that especially for you," Audrey proclaimed.
She sat in front of Chaise, grinning proudly.
Gustuhin mang mahawa ni Chaise ng tuwa nito, hindi niya magawa.
"Ano, hindi mo 'ko kakausapin?"

BINABASA MO ANG
Running From Fire
RomanceDalawang taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita si Wila Carmona--ang babaeng nagpaibig at nanakit sa kanya. Sa kanilang muling pagkikita, handa na ba siyang tanggapin itong muli? O patuloy siyang tatakbo sa apoy na minsan nang pumaso sa kan...