Chapter 3

546 21 0
                                    

If she had known this was what Calix had in mind, she wouldn't have approached him for help.

Not only does she have no clue as to what she could be launching herself into, but Calix, of all people, should know... she's not exactly the friendliest person.

Nakaupo si Chaise sa kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot. Iniisip kung itutuloy pa niya ito.

Kinondena niya ang sarili sa pagpunta pa sa lugar na ito kung magbabago lang din ang isip niya.

But she's here. She might as well go in and test her luck.

Ayon kay Audrey, ang tanging paraan para makapag-move on siya ay magkaroon ng closure kay Wila.

Well, she doesn't agree with that.

Kaya naman nagpatulong siya kay Calix. Hindi naman niya akalain na ise-set up siya nito sa isang blind date.

This goes against every cell of Chaise's body. She doesn't plunge into an investment without having straight facts.

Ngunit marahil kailangan niya rin ng pagbabago. So far, wala namang saya na naibigay sa kaniya ang pagiging business-minded. 

It wasn't a fancy five-star restaurant but rather, a much humbler coffee shop. Chaise was not sure whether this is Calix's idea, but this will work with her in order to keep a low profile, lest she wants the media feasting on her again.

Sa katunayan ay siya nga lang ang customer doon sa kasalukuyan. Iniisip tuloy niya kung paano pang nakatayo ang shop na ito.

Chaise ordered a Hawaiian sweet roll.

Nang may lumapit na babae sa kaniya.

"Excuse me?" anito.

Inangat ni Chaise ang tingin. Isang dalaga ang nasa harap niya. Tantiya niya ay wala pa itong 20s o baka katutuntong pa lang dito.

Mahaba ang buhok, nakasuot ng salamin at ng short at pastel-colored crop top, with a white high-cut Converse.

At mukha itong kinakabahan, base sa mahigpit na kapit nito sa backpack na suot niya.

"Chaise Casteleon?" kumpirma nito.

Tumango si Chaise. Ngayon pa lang ay nakikita na niya na hindi magiging maganda ang tagpong ito.

"Oh my gosh! Ikaw ba 'yung ka-meet ko today?"

And how the hell was she supposed to answer that? Even Chaise has no idea what's supposed to happen today.

She shouldn't have cleared her schedule for this.

Damn Calix.

Siguro'y napansin ang pagsasalubong ng kilay niya, nawala ang kaninang sigla nito.

"S-sorry. Nabigla lang. Nakakahiya, nag-fangirl pa 'ko." Mukhang napanghinaan nga talaga ang dalaga.

Nakonsensya naman doon si Chaise. Pakiramdam niya ay isa siyang bully.

"Have a seat. What's your name?"

Namula ang pisngi ng dalaga. Bakas sa mukha nito na hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Mapapagalitan talaga niya si Calix.

Iginaya pa siya sa taste nito.

Umupo ang dalaga sa harap niya. "Natasha. But my friends call me Taz." She beamed when she said that.

Weird nickname. Hindi talaga niya maiintindihan ang mga kabataan ngayon.

"Okay, then. Have you ordered?"

Running From FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon