Chapter Two

4 0 0
                                    

NAPAPANGITI si Jizelle habang binabasa iyong mga comic strips na gawa niya noon. Nang makitang nagsama-sama ulit ang dating Ixion FC players, bigla niya ring naisipan bisitahin iyong mga art works niya na inspired sa mga ito.

Dahil sa nakitang brotherhood ng mga players noon, naisip niyang gumawa ng mga four-panel comics. In-upload niya rin iyon dati sa facebook account niya pero naka-customize iyon at siya lang ang nakakakita. Hindi pa kasi siya handa noon na makita ng ibang tao ang gawa niya. She remembered how excited she was whenever she draw her characters.

Bigla niyang naalala, minsan niyang pinangarap na makapag-publish ng isang libro na umiikot sa daily lives of football players. Mapait siyang ngumiti nang maalala kung bakit kinailangang bitawan ang pangarap na iyon. She had to give up something because her brother gave up on something that he loved as well.

Mayamaya ay nag-ingay ang cellphone at nakitang tumawatawag ang boss niya. Nagmamadali niya iyong sinagot.

"Let's watch the Wolves training." Sabi nito pagkasagot niya ng tawag.

Iyong kabang sumulpot kanina ay mabilis na naglaho, hindi naman pala tungkol sa trabaho ang tinawag nito. Kaso conflicted siya, gusto niyang tumanggi pero hindi naman siya maka-hindi. Going to the training meant seeing Daisuke again. And when she does, there's a high chance that she'll be hurting again.

Nakalimutan niyang maaaring kasama ito sa call up since hindi na nga siya nakikibalita masyado sa football. Matinding pagtitiis ang ginawa niya para lang balewalain ang lahat ng games ng national team kasi may posibilidad na makita niya si Dai. Nakatulong din ang pag-alis ng kuya niya sa football scene para mawala sa sistema niya ang sport na iyon.

Pero nang yayain siya ng boss, naunahan ng emosyon iyong utak niya. Ngayon, nagsisi na siya bigla. Isang kita lang kay Daisuke, nagbalik lahat ng hinanakit niya sa buhay.

"Inutusan ka na naman ba ni K2, ma'am?" Tanong niya. Hindi ito sumagot. Mukha ngang utos na naman ni K2. "Boss, kapag ba tumanggi ako, papahirapan mo ako?" Nag-aalangan na tanong niya.

"Hmm... It depends."

Napangiwi siya.

"It's fine if you don't want to come. I'd understand." Pero bakit lalo siyang nagi-guilty? "Nagbaka-sakali lang naman ako. Sorry for bothering you." But her voice doesn't even sound sorry.

Napabuntong-hininga siya. "Sige na po, boss. Sasamahan na kita. Ayoko namang iwan kang mag-isa." May pagka-sarkastikong sabi niya.

"Oh, good. I knew you care for me."

Haaay, kung may isang bagay siyang hinahangaan sa boss ay iyong ganito; pwede siyang maging sarcastic dito minsan at babatuhan din siya nito ng sarcasm. She admired how collected she is in every situation. Except for the time she asked about K2's fangirls.

"By the way, I'm outside of your subdivision now." Tsaka nito tinapos ang tawag.

Nagmamadali tuloy siyang naligo at nagbihis. Hindi na siya nag-ayos kasi nahihiya siyang paghintayin si Feyline dahil kanina pa ito nasa tapat ng kanilang bahay.

"Kuya, manonood akong training ng Wolves."

"Sigurado ka?"

"Kailangan eh. Andyan na si boss sa labas."

"Gusto mo bang sumama ako?" At kahit na ayaw niya; ay sumang-ayon siya. That's how much she's afraid of encountering Daisuke. "Okay, wait for me." Pagkabihis nito ay lumabas sila ng gate at pumasok sa sasakyan ni Feyline.

Babalik pa rin (Bad KOI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon