"MAY DUMATING na padala sa'yo."
Nilingon ni Jizelle ang padalang sinasabi ng Kuya Yzaak bago tiningnan nang diretso sa mata ang kapatid. "Mamaya ko na lang bubuksan." At pinasok ang package sa loob ng kuwarto. Tinabi niya iyon sa isang sulok kung saan nakatambak ang lahat ng "pinapadala" sa kanya. Katabi ng comic books shelf niya.
"Aalis ka na? Sabay na tayo." Sabi nito pagkalabas niya ulit ng kuwarto. "Simula nang mamatay si mama, quarterly ka nang nakakatanggap ng padala kay papa. Halatang-halata na ikaw ang paborito niya." Nakangising sabi nito habang palabas na sila sa bahay.
Mapait siyang ngumiti. "Ganoon siguro kapag bunsong babae. Ipa-pamper." Sabay lingon ulit sa kapatid. Ang saya-saya ng hitsura nito. Parang walang dinadalang problema. But she knew better. "Wala ka bang balak bumalik sa football?" Tanong niya.
Natigilan ito. Nakita niya kung paano saglit na nalungkot ang mga mata nito bago tumawa at ginulo ang kanyang buhok. "I'm done, Jingjing. And you know that." It breaks her heart every time she thought about what he had to give up for her. "It was a choice I made due to my ACL injury."
"Laging iyan ang sinasabi mo. Hindi na ako iyong college student na kapatid mo, Kuya. Hindi mo na ako kailangang alagaan at alalahanin araw-araw. And what makes you think na kaya mong itago sa'kin ang lahat?"
Natigilan ito bago nag-aalalang tumingin sa kanya.
"Nararamdaman kong gusto mo pang maglaro. It's calling you, right? Hindi mo lang alam pero nakikita kitang pinapanood ang laro ng Ixion F.C. minsan. Your heart is still with the club."
"Ah, iyon pala ang ibig mong sabihin." Nakahinga ito nang maluwag.
Painosente niya itong tiningnan. "Bakit, may iba ka pa bang tinatago sa'kin?"
Umiling-iling ito bago niya nakita ang pagdaan ng konsensya sa mga mata nito. "Alam mong wala akong gagawin para makasakit sa'yo. Isa pa, kahit ano'ng mangyari, baby sister kita."
"I can handle pain." Sagot niya.
"Bakit ang serious mo? Ang aga-aga." Pagbibiro nito at inakbayan siya.
Hindi na siya umimik. He dropped it again. He wanted her brother to confess, but he kept on lying to her. Ilang beses na niya ito binigyan ng pagkakataon pero hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa nitong umamin sa kanya.
"Wala bang sinasabi si papa kung kailan siya uuwi galing Dubai?"
"Wala pa siyang sinasabi." Kibit-balikat na sagot nito. "Ang mahalaga, hindi niya tayo pinapabayaan." Malungkot itong ngumiti. Habang siya ay nakaramdam ng pinong kurot sa kanyang puso.
"JIZELLE," tawag ni miss Feyline. "In my office."
Napakunot siya ng noo. Hindi pa siya tapos sa ginagawa niya eh. Ayaw niya talaga minsan iyong naiistorbo siya kapag nagko-concentrate. Tumayo na siya at naglakad papunta sa office nito. Kumatok muna siya bago pumasok. At nang makita kung sino ang nasa loob ay lalabas sana siya ulit...
"Stay." Maawtoridad na sabi ng boss niya at wala siyang nagawa kung hindi manatili doon.
"Magla-lunch kami," sabi ni K2.
"Okay, enjoy." Pakli niya.
"Kailangan mong sumama." Utos ng boss niya.
"Kung hindi siya kasama." Tukoy niya kay Daisuke.
"Hindi pwede." Sabi ni K2. "May pag-uusapan kami."
Napataas ang isang kilay niya. "Okay na kayo?"
BINABASA MO ANG
Babalik pa rin (Bad KOI)
RomanceMinsan dumadating tayo sa punto na wala nang makakapagpasaya sa'tin. Iyong nawawalan tayo ng interes sa mundo. Iyon ang biglang dumapo kay Jizelle na hindi niya alam kung paano tatanggalin. Pero nang makatapak siya ulit sa loob ng isang football sta...