Chapter One

28 1 0
                                    

PABAGSAK na umupo si Jizelle sa kanyang upuan bago hinimas ang batok. Inis niyang ginalaw ang buong katawan at pinagpapadyak-padyak ang paa bago bumuntong-hininga. She's starting to lose her temper again.

"It's a little bland." Panggagaya niya sa boses ng boss niya pagka-submit ng draft ng illustration na pinapagawa nito. "Revise it." Na ginawa naman niya at sinunod ang gusto nitong gawin. Pero hindi pa rin pumasa sa panlasa nito! Pagatlong revise na niya pero may gusto pa rin itong ipabago.

"Ayoko na," reklamo niya at inikot-ikot ang kaliwang kamay. Pagod na mga daliri niya at nai-stress na naman siya sa boss. Tinopak na naman ito. Pero, kahit ganoon ang boss niya, malaki ang utang na loob niya rito. Huminto siya sa pag-aaral noong second year college para pagtuunan ng pansin ang kanyang may sakit na ina. At ang hobby niya ay gumawa ng vector arts at mga chibi. Tapos may kaibigan siyang nagbigay ng raket sa kanya. Doon siya nagsimulang maging freelancer. Kasi kahit na nagbabantay siya sa kanyang nanay, nakakagawa siya ng trabaho.

Nang mamatay ang kanyang ina ay nagsimula na siyang maghanap ng trabaho. Pausbong pa lang noon ang ad agency ni Miss Feyline, pero nagtiwala ito sa kanyang talento nang makita ang portfolio niya. Ito ang nagtiwala sa kanya noong mga panahong walang tumatanggap sa kanya na kahit na anong company. At dahil gusto niyang patunayan ang sarili, ginalingan niya. Hindi siya takot na i-voice out ang sa tingin niyang hindi tama.

Hindi doon natapos ang pagtulong ni miss Feyline sa kanya. Pinag-aral siya nito ng digital marketing, pagkatapos ay pina-attend siya nito ng mga workshops para mas lumawak pa raw ang knowledge at skills niya. Hanggang sa mag-resign ang senior illustrator nila at siya ang pinalit ni miss Feyline. Naramdaman niyang na-validate ang kakayahan niya. That moment felt surreal, because finally, she found something she wouldn't lose. Her job.

Thankful siya sa lahat ng nangyari sa kanya at sa tulong ng boss, pero minsan talaga, kapag may topak ito, parang ayaw na lang niyang mag-effort kasi nasasayang lang. Nasasaktan din naman ang damdamin niya tuwing nilalait nito ang gawa niya.

Umayos siya ng pagkakaupo para magsimula na ulit mag-drawing. Malapit na siyang mag-out pero sisimulan niya munang mag-draft ulit.

"May plano ka ngayon?" Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ng boss niya. She has a boss/friend relationship with miss Feyline. Istrikto ito sa loob ng opisina, at pati sa labas naman. Pero nagagawa niya itong kausapin nang kaswal tuwing tapos na ang office hours. Sabi kasi nito, gusto nito ang ugali niya tuwing prangka siya. Hindi raw siya iyong tipo ng tao na puno ng "bullshit."

"Tapusin po iyong revision na pinapagawa ninyo." Sagot niya.

"Drop it." Akmang magsasalita pa siya. "Submit your second revision.."

Napakurap-kurap siya. Sabi na nga ba eh, pasado na iyong second revision niya. "Okay po."

"Wala ka ng plano?" Umiling siya. "Good." Sabay naglapag ng isang ticket sa kanya. "Sumama ka sa'kin manood ng game."

Dinampot niya iyong ticket na binigay nito. "FIFA International Friendly." Basa niya bago nanlaki ang mata. "Ma'am, fan kayo ng football?"

"Not really. I just got involved recently." Kunot-noong sagot nito. "Let's go. Hindi tayo makakaabot sa kick-off kapag di pa tayo umalis."

"Yes ma'am!" Nagmamadaling sabi niya dahil mukha siyang kakatayin ng boss kapag na-late sila sa kick-off.

THE MOMENT Jizelle entered the stadium, she had goosebumps. Alam niyang friendly game lang ang laro ngayon ng Stray Wolves—ang national football team ng Pilipinas— pero may kakaibang intensity doon na hindi niya maintindihan.

Babalik pa rin (Bad KOI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon