Chapter Thirteen

106 7 0
                                    

Transferee and Visitors

Charleigh's POV:

Ang bilis ng araw, parang kailan lang ay first day of school. Bukas ay may magaganap na pagsusulit, sa mga napag aralan namin and guess what are we doing right now? We are just chillin'

Lahat kami ay may hawak na cellphone. I am watching an anime while Ana is scrolling through her phone. Si Harm naman ay nagkkdrama, hotel del luna ata is the title. While Eli, she's reading wattpad, Chasing in the Wild ata is the title naman ng story na binabasa niya.

"Hindi pa ba kayo matutulog? Alas dos na, may exam pa tayo bukas." saad ko sa kanila.

"Maganda pa rin ako kahit walang tulog." sabi ni Ana.

Ang haaangiiin!!!

"Exam? Ano yun nakakain?" pa inosenteng tanong naman ni Harm. Pag naperfect niya lang ang exam, babatukan ko talaga 'to.

"Ang ingay niyo, mga warka!" pagsuway sa amin ni Eli.

"Hah! Warka?" sabay sabay na tanong namin sa kanya.

"lalalalalalala~~" pagiingay ni Ana. Dinisconnect naman ni Harm ang airpods niya sa phone niya para lumakas ang sound ng pinapanood niya.

"Argh, seriously!!" naiinis na saad ni Eli. Bigla namang tumunog ang alarm ng cellphone ko, hudyat na alas kwatro na ng umaga.

"Harmonie, maligo ka na magpreprepare na ako ng food." saad ko.

"Ang aga paaa!" panunutol niya.

"Oo maaga pa, pero antagal mo sa banyo!" saad ko naman

Tumayo na siya at umiiling na kinuha ang mga gamit niyang panligo.

* * *
Harmonie's POV

Nandito na kami ngayon sa classroom at ang mga kaklase ko ay nagrereview habang kaming apat? Ayun bumabawi ng tulog, nakadukdok sa bawat mesa ang mga ulo namin. Habang yung mga classmate naman namin ay stress na stress yung mga itsura nila, dark eyebags. Tsk,tsk.

Yung mga apat na fakes? Ayun tutok na tutok sa pagrereview. At mga halatadong walang tulog.

Pumasok na si Ms. Lavana sa classroom at dinistribute ang mga testpapers. Ng makita ko ang exam ay napangisi na lamang ako at nagsimulang magsagot.

* * *

"You fakes, you don't deserve the average of 98!" sigaw sa amin ni Emilia also known as fake Dione.

Yes, matapos ang ilang araw ay lumabas ang resulta ng exam and guess what? Kami ang first honors with an average score of 98!

Sumusunod naman ang mga prinsepe with an average of 96, tas sunod na yung mga fakes.

"Tanggap ko pa na malamangan kami ng mga prinsipe pero kayo? Kayong mga walang kwenta at peke? Hindi ako papayag!" sigaw niya ulit.

Pinaglalaban ba nito?

"Those fucking sleepless night, walang nangyari! Lamang pa rin kayo sa amin!" siga niya ulit.

"Sino ba kasi nagsabing lamangan niyo kami?" saad ni Charl.

"Tandaan niyo 'to, hinding hindi niyo kami malalamangan!" saad ulit ni Charl.

"Tandaan niyo rin 'to, makakahanap rin ako ng ikasisira niyo!" naiiyak na saad ni Emilia.

Umiling na lang kami at umalis para magtungong cafeteria, you know hunger.

Nakakamiss maghunt ha.

Half BloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon