Chapter Sixteen

99 7 0
                                    

Revelation

Harmonie's POV:

Nandito kami ngayon sa living room, nakayuko kaming apat habang ang apat na lalaki naman ay nakatingin sa amin. Paano ba naman kami makakatingin sa kanila diba? We are guilty of hiding the truth, pero kung hindi namin ihihide ang totoo ay kamumuhian nila kami maliban na lamang kung kauri namin sila.

"Explain!" saad ni Sam sa amin. Pero hindi pa rin kami nagsasalita.

"Guys, what to do?" tanong sa amin ni Eli through telepathy.

"Why don't we just tell them the truth?" tanong ni Ana.

"But, you know that we are not one of them." saad ko naman.

"It's possible, they are Carmichael. The second most powerful family in the vampire world." saad naman ni Charl.

"So, should we tell them?" Tanong ko kay Charl.

"The decision is yours, ate." saad naman ni Eli. Kapag tinawag niyang ate ang isa sa amin ay ibig sabihin na pinagkakatiwalaan ka niya sa gagawin mo o desisyon mo.

"Let's tell them and then if they won't accept us, we have to erase their memories. You know what to do." saad ni Charl.

"Hindi pa kayo magsasalita?" tanong ni Hamlin sa amin.

"Harm?" pagtawag niya sa akin. Bumuntong hininga si Charl at alam kong iniangat niya ang ulo niya.

"You won't believe what we'll tell you but promise us you won't freak out." saad ni Charl.

"Oh, darl. We won't, promise." saad ni Sam sa kanya.

"W-we" nauutal na saad niya hindi ko alam kung dahil sa pagtawag sa kanya ni Sam na 'darl' o dahil sasabihin na namin sa kanila ang totoo.

"You?" tanong ni Sam ulit sa kanya.

"V-vampires." nauutal ulit na saad ni Charl.

"W-what?" sabay sabay na tanong ng apat.

"Vampires." saad niya ulit pero mas malakas tsaka klaro.

Ramdam ko na ang aura ni Charl alam ko na pinakawalan na niya ang tinatago niyang aura. At alam ko rin na pula na ang mga mata niya.

"W-woah." saad ng apat. Malakas kasi talaga ang aura naming apat.

Sumunod ko namang naramdaman ang aura ni Ana, alam ko rin na kulay asul na ang mata niya.

Sunod naman ay ako unti unti akong nag angat ng tingin at unti unti ko ring pinakawalan ang aurang tinatago ko. Naging berde na ang mata ko.

Sumunod si Eli, naging kayumanggi ang kulay ng mata niya. Nagkatinginan kaming apat, ang mga mata namin ay hindi magkakapareho ang kulay. Ang mga matang ito ay tinatawag na legendary eyes.

"The Legendary Vampires are here in front of us." saad ni Raji sabay tingin sa asul na mata ni Ana.

"Gusto rin namin na pakawalan ang aura namin pero baka may makaramdam." saad naman ni Sam.

"Don't worry, walang makakaramdam. Ang dorm ay pinapalilibutan ng isang proteksiyon kung saan walang maririnig at walang mararamdaman ang mga tao o bampira sa labas." paninigurado ko sa kanya.

"Really? Great!" sabay sabay na saad nila tsaka pumula ang mga mata nila at humaba ang kanilang mga pangil. Sa mga normal na bampira ang mata nila ay pula, pero kaming mga legendary vampires ay hindi pula ang mata, kay Charl naman ay naiiba ang pagka pula ng mata niya kesa sa iba pang bampira.

"So let's talk about your powers and abilities!" masayang saad ni Axel.

"You mean ours. I want to know the abilities of the Carmichael's too." saad naman ni Eli.

"Before that, I still have something to clean. Wait for me." saad ko sabay unti unting naglaho.

Pagkarating ko sa dorm nila ay nakita kong sinasalaysay ni fake me ang nangyari kanina.

"Ano yan? Share naman kayo." seryosong saad ko.

"AAAAHHHHH!!!!" sigaw ni fake Angel.

"H-how did you come here? T-the door is locked." saad ni fake Charl.

"It is locked." saad ko naman. Tsaka unti unting binuka ang palad ko para ilabas ang brilyante ng tubig.

"What the hell?" sigaw ni fake Eli.

"See? I told you she's not normal" saad ni fake me.

"I am not." saad ko.

"Bilang tagapangalaga ng brilyante ng tubig. Nagsusumamo ako na alisin mo ang mga ala ala nila ngayong araw. Para manatiling sekreto ang totoong pagkatao namin dito sa mundong ito." dagdag ko.

Unti unting pumunta sa taas ang brilyante ng tubig tsaka naglabas ng kulay berdeng liwanag na nakasilaw sa apat na babae dito sa dorm. Naging kulay berde ang kanilang mata bago sila nawalan ng malay.

Unti unti namang lumapit ang brilyante ng tubig sa aking nakabukang palad.

"Oh~ That was easy." saad ko sabay teleport pabalik sa living room.

Suminghap naman ang apat na lalaki nang makita nila ako.

"Oh, bat parang nakakita kayo ng multo?" seryosong tanong ko sa kanila.

"Hindi lang kami sanay na bigla ka na lamang maglalaho tsaka susulpot ng walang pasabi." sabi sa akin ni Hamlin.

"Masanay na kayo. Dahil yun na ang palaging mangyayari." saad ni Charl sa kanila.

"Yes, I can teleport freely now!" masayang saad ni Eli.

"Saan ka pala galing?" tanong ni Charl sa akin.

"I just erased some of their memories." sabi ko sa kanya.

"You compelled them?" tanong ni Ana.

"Nope, I use the other one." sagot ko sa kanya sabay wink. Napatingin silang tatlo sa aking palad tsaka sabay sabay na umiling.

"We can't relate! Hello." saad ni Sam sa amin.

"Let's talk about your powers na dali!" excited na saad ni Axel. May pagkachildish din to kagaya ni Eli.

"My ability, well it's kinda suffocating." panimula ni Charl.

"What do you mean by suffocating?" tanong ni Sam sa kanya.

"Sorry" Saad ni Charl sabay buka sa dalawa niyang palad at lumabas unti unting lumabas ang itim na usok. Ang itim na usok na ito ay papalapit kay Sam.

"Woah, woah. What the hell." saad ni Sam at ang sunod namin na narinig mula sa kanya ay para siyang nahihirapang huminga.

Unti unti ng nawawala ang usok na bumalot sa katawan ni Sam at bumalik ito sa palad ni Charl.

"W-water." pakiusap ni Sam tatayo na sana si Raji upang kumuha ng maiinom pero binato ko na lamang ang bunganga niya ng water ball. At umubo siya.

"What the hell?! Kanina you suffocate me and now you're trying to drown me?!" naiinis ka sigaw niya na nasundan ng ubo.

"Sorry!" saad ko naman.

"What do you know about the first daughter of King Maximus?" tanong ni Charl sa kanila.

"Well, she can see the future without physical touching. Makikita niya ang hinaharap ng isang tao kailan man niya gusto." saad ni Sam.

And it's hella true.

TO BE CONTINUED....

Half BloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon