Chapter Thirty Five

55 3 0
                                    

Curse

Charleigh's POV:

"Avisala Eshma, mga kawal." saad naman ni Ana sa kanila.

"Yay! Lireoo!" saad naman ni Paopao

Pumasok na kami sa maindoor ng palasyo at bumungad sa amin sina Aquil, Muros at Nunong Imaw.

"Masaya ako at magaling na ang kalagayan niyo, mga mahal na sang'gre." saad naman ni Nuno.

"Avisala nuno, sa inyo ring dalawa." pagbati ko sa kanilang tatlo.

"Magiging masaya ang inyong ina kapag nalaman niyang nagbalik na kayo rito sa Enchantasia." saad naman ni Nunong Imaw.

"Nuno, ihatid niyo na si Paopao sa punong bulwagan. Oras na para makuha niya ang brilyanteng nararapat sa kanya." saad ko sa kanila.

"Mag aayos lang kami at susunod na." dagdag ko pa.

*****

Someone's POV:

"Nagbalik na sila rito sa Enchantasia..." saad ng isang babae.

"Huwag kang mag alala, nakahanda na ang patibong ko sa kanila." dagdag niya pa.

"Pagkatapos noon ay maghanda ka na ng digmaan laban sa mga diwata..." dagdag niya pa.

****
Anastasia's POV:

Nakabihis na ako ngunit hindi muna ako dumiretso sa punong bulwagan kundi nagtungo ako dito sa balkonahe at tinitignan ang labas. Nakakamiss pala dito sa Enchantasia.

"Ano at nandito ka pa, Amihan?" tanong sa akin ni Pirena.

"Wala, masaya lamang ako at nagbalik na tayo dito sa Enchantasia." sagot ko naman.

"Ngunit, pansamantala lamang ang mga ito. Kailangan tayo ng Guaxa." saad niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"Alam ko, ngunit anong mangyayari kung purong diwata lang tayo? Maybe we will not stucked between this two worlds. Nakakapagod rin, dito sa Enchantasia mga sang'gre tayo na may mahahalagang responsibilidad dito sa Lireo at sa buong Enchantasia. Habang sa Guaxa naman ay nakasulat sa propesiya ang ating mga pangalan bilang kanilang tagapagligtas?! Hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya.

"Napapagod rin ako, Amihan. Ngunit kailangan nating maging matatag hindi lamang para sa Enchantasia at sa Guaxa kundi para na rin sa mga mahal natin sa buhay." saad niya naman at doon pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ng mga mahal ko; si Ina, Ama, Kuya Thorn, Uncle Phil, mga pinsan namin, mga warka kong kapatid, mga warkang mangkukulam at higit sa lahat si Raji...

Bumuntong hininga na lamang ako.

"Lumaban ka, Amihan. Huwag kang panghinaan ng loob. Nandito kami, sabay sabay tayong lalaban para sa mga mahal natin." saad niya at hinawakan pa ng mahigpit ang kanang kamay ko.

"Kaya natin 'to." sabi ko rin sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Avisala Eshma, Apwe." pasasalamat ko at saka ako bumitaw sa yakap.

"The usual 'panganay' role." saad niya at saka nagwink sa akin, sabay kaming natawa.

"Halika na sa punong bulwagan. Alam kong nangungulila ka na rin kay Ina. Kaya magmadali." saad niya at saka ako hinila. Napailing na lang ako at saka nagpahila sa kanya.

"Oh mga warka ano at naghihilahan kayo?" tanong ni Alena sa amin, magkasama rin pala sila ni Danaya.

"Halina kayo!" saad ni Pirena at saka ako binitawan. Sumunod na lang kami sa kanya. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating rin kami sa pintuan ng punong bulwagan o throne room. Nagbukas ito at doon namin nakita si Paopao na nakatayo sa gitna at nasa mga palad na niya ang kanyang brilyante. Ngumiti siya sa amin. Napatingin kami sa trono at doon namin nakita si Ina na nakangiting nakatingin sa amin at nakikita sa mga mata niya ang pangungulila.

"Ina!" saad ni Danaya. At unti unting tumakbo papasok sumabay naman yung dalawa. Papasok na sana ako ngunit biglang lumakas ang hangin na para bang may masamang binubulong ito. Magsasalita na sana ako at sasabihin sa kanila na may masamang binubulong sa akin ang hangin ngunit nakita ko silang nakaluhod at parang nahihirapang huminga.

"Argh!" daing ni Alena.

"Mahabagin!" saad ni Ina at nagaalalang bumaba mula sa kanyang trono.

Dali dali akong pumasok sa punong bulwagan at agad agad na nilapitan ang tatlo upang tanungin kung anong nangyayari ngunit bigla na lamang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga.

"A-anong nangyayari?" tanong ko sa kanila through telepathy ngunit hindi sila makasagot dahil hinang hina na sila.

"I-ina.." nanghihinang saad ko sa kanya.

"Amihan ano ang nangyayari sa inyo?" takang tanong niya sa akin dahil nawalan na ng malay ang tatlo.

"H-hindi ko alam." sagot ko bago mawalan ng malay.

****
Author's POV:

"Mahabagin!" nagaalalang saad ni Reyna Minea habang nakatingin sa kanyang mga anak na nakahiga sa sahig, walang malay.

"Reyna Minea, ano ang nangyayari?" takang tanong ni Nunong Imaw habang nakatingin sa apat na sang'gre na walang malay.

"Hindi ko alam, Nuno. Paopao maari mo bang gamitin ang iyong brilyante upang ilagtas o gisingin sila." paghingi ng pabor ng Reyna sa batang ligaw.

"Opo, Hara." saad ni Paopao at unti unting nilabas ang kanyang brilyante ilang segundo pa ay hindi gumagana ang brilyante niya.

"Hindi po nito kaya." malungkot na saad ni Paopao sa Reyna.

"Mahabagin." saad ulit ng Reyna.

"Mga kawal! Ihatid niyo ang mga sang'gre sa kani kanilang silid. Magmadali." seryosong saad niya, lumapit ang mga kawal at binuhat ang apat upang ihatid sa kanilang silid.

"Dama, ihatid niyo si Paopao sa kanyang silid. Paopao, magpahinga ka muna." saad ng Reyna kay Paopao.

"Opo, Hara." saad ni Paopao atsaka yumuko upang magbigay pugay. Lumabas na sila at naiwan sina Reyna Minea, Nunong Imaw at ilang mga kawal.

"Nuno, maaari mo bang gamitin ang iyong tungkod upang malaman kung anong nangyayari sa apat sa sang'gre." paghingi ng Reyna ng pabor sa Nuno. Tumango ang nuno at nagsalita...

"Tungkod ng balintataw, ipakita mo sa amin kung ano ang nangyayari sa apat na sang'gre." saad ng Nuno, umilaw ang tungkod ngunit ilang segundo pa lamang ay walang nakuhang sagot ang nuno mula sa tungkod.

"Haay, hindi kaya ng tungkod ko na makita kung ano ang nangyayari sa kanila. Poltre, Hara." saad ni Nunong Imaw. Bumuntong hininga ang Reyna at naguguluhan. Bigla na lamang sumulpot si Cassiopeia sa punong bulwagan.

"Wala talaga kayong makikita dahil isang bathala ang gumawa nito sa kanila." saa niya.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ng Reyna sa dating Hara.

"Sumpa ang ginawa ni Ether sa kanila, Minea. Nalaman kasi nilang hindi lamang sila diwata kundi mayroon ring dugong bampira." paliwanag ni Cassiopeia.

"Ilabas mo ang brilyanteng pinagkaloob ko sayo, Minea tulong nito ay maaalis ang sumpang nakabalot sa Lireo." saad ulit nito. Inilabas ng Reyna ang pang anim na brilyante, ilang segundo pa ay lumipad sa taas ang brilyante at may hinihigop na maiitim na usok.

"Magaling na ba ang mga anak ko?" tanong ng Reyna.

"Hindi, humingi ka ng tulong sa Hari ng mga Bampira at sabihin mong kailangan ng mga sang'gre ang tulong nila." saad ulit ni Cassiopeia.

"Sila ang kukuha ng lunas para sa sumpang binigay ni Ether." dagdag pa niya.

"Magbantay ka rito, Cassiopeia." saad ni Minea bago maglaho.

****

sorry for the grammatical errors and typos

TO BE CONTINUED....

Half BloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon