Chapter Twenty Six

66 2 0
                                    

The Challenge & the Punishment

Charleigh's POV:

"Kung ganoon ay magpapaalam na kami,kailangan na naming magpahinga lalo pa't malalalim na ang gabi." pamamaalam ko sa walo.

"Magpahinga? Ngunit akala ko ay hindi nagpapahinga ang bampirang kagaya natin." saad ni Maria.

"Oo ngunit, kailangan magpahinga ng isa pa naming katauhan." sagot ko.

"Kaya naman, avisala meiste." dagdag ko pa sabay punta kay Sam para mahalikan siya sa pisgi.

"G'night." saad naman ni Ana sabay lapit kay Raji upang mahalikan sa labi.

"Night." sabi ni Harm sabay lapit kay Hamlin upang mahalikan sa tungki ng kanyang ilong.

"Goodnight." saad ni Axel kay Eli at siya mismo ang lumapit kay Eli upang mahalikan ang noo ni Elizabeth.

*****
Author's POV:

"Ibang katauhan?" takang tanong ni Maria sa apat na lalaki.

"Hindi sila purong bampira. Kundi kalahating bampira at kalahating diwata." sagot ni Sam sa kanila.

"Merong ganoon?" tanong naman ni Olivia.

"Yes, they are the living proof. Sa tingin niyo paanong bigla na lamang nawala si Charleigh kanina. At paanong nagkaroon ng brilyante si Harmonie." saad naman ni Raji.

"Sila ay pinanganak na diwata, ngunit pagtungtong ng ika sampu nilang gulang ay kailangan ng kanilang ina na ihatid sila sa Guaxa upang magaral dahil sa ika sampu nilang gulang ay nabubuhay ang kanilang dugong bampira." mahabang paliwanag ni Sam.

"A-ano ang tawag sa kanila?" tanong naman ni Fatima.

"Legendaries." sagot naman ni Hamlin.

"Lahat ng maari niyong malaman o gusto niyong malaman ay nasa librong iyan. Mas mabuti kung basahin niyo na lamang ito." saad ni Axel.

"Kung ganoon ay babalik na kami sa aming mga silid upang magpahinga." sabi ni Sam sabay tayo.

"May isa pang kwarto gusto niyo pa bang pumarito muna?" tanong niya.

"K-kung maari.." sagot ni Maria.

"Kunga gayon ay halina kayo sa inyong silid." saad ni Sam.

*****
Charleigh's POV:

"Warka, nandito ka lang pala." sabi ko kay Maria sabay hablot sa kanya.

"A-anong? Prinsesa saan tayo pupunta?" takang tanong nito sa akin.

"Huwag ng maraming dakdak, sumunod na lang sa akin." seryosong saad ko sa kanya.

Matapos ang ilang sandali ay nakarating na kami sa pinakalikod ng academy. Kung nasaan ang bukana ng kagubatan. Doon naghihintay ang isang babaeng studyante.

"Bakit iyan?" takang tanong niyang muli.

"Pagkain." sagot ko sa kanya.

"Inumin mo ang kanyang dugo ngunit may isang kondisyon, Maria. Huwag na huwag mo itong uubusin. Control your thirst, kapag hindi mo ito nagawa ay may parusa kang makukuha." seryosong sabi ko sa kanya.

Half BloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon